SA BORACAY inabot si Kris Aquino ng pagpapatupad ng Community Quarantine sa Metro Manila na eventually ay naging ‘Enhanced Community Quarantine’ na sumakop na rin sa buong Luzon. Ginawa ito ng gobyerno para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
Kasama ni Kris na nagbakasyon sa Boracay ang kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby. Habang ongoing ang Community Quarantine ay binalak ni Kris na mag-stay na lang ng Bora kasama ang dalawang anak perro biglang nagbago ang sitwasyon.
Napagdesisyunan ng actress/TV host na lumipat ng ibang beach resort at ituloy ang pagbabakasyon na malaki ang naitutulong para kanyang autoimmune condition.
Sa ipinapagawang beach resort ni Willie Revillame nag-i-stay ngayon ang pamilya ni Kris. Si Wllie pa mismo ang nagpasundo kay Kris at sa mga anak nito gamit ang kanyang helicopter.
Sa post ni Kris sa kanyang Instagram account a ipinakita nitong sakay sila nina Joshua at Bimby ng helicopter ni Willie. May video na makikita si Kris na nakasakay sa yate ng actor-comedian.
Maging ang room na tinuluyan ni Kris ay kanya ring ipinasilip. Di nga lang nakita ang mukha ni Willie pero dinig ang tawa nito habang nagba-vlog si Kris.
Ayon pa kay Kris, timing ang pagbabakasyon nila sa resort ni Willie dahil under renovation ang kanyang bahay ngayon.
“I’ll try to make this short, TRY– for the community quarantine we were ready to stay in Boracay but realistically marami kaming 3 na kailangang prescription meds, medyo aware na kayo sa autoimmune ko, kuya has reflux & bimb has asthma.
“A kindhearted, generous, and SPECIAL friend of ours pinasundo (thank you Capt Elmer) & ngayon kinukupkop kami. Bakit di po kami dumirechong umuwi? wrong timing kasi ako, nagpa renovate ng 2nd floor, clean & ready early next week,” pahayag ni Kris.
Nag-imbita rin ang TV host na kung gusto ng sinuman na mawala ang kanilang stress ay puntahan nila ang beach ni Willie.
“If you want a tour of willie’s new beach property (para gumaan ang stress) kayo na mag request here, i’ll show him – na SHY na ko.
“I included shots of how beautiful our country is, para maalala nating mag TULUNGAN sa gitna ng pagsubok, magsuportahan, magpakatatag, sumunod sa mga pagpapahalaga sa KALUSUGAN ng LAHAT, magdasal para sa isa’t isa, at magmahalan,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.