Kris Aquino, ipokrita?! – Ronnie Carrasco

WAS I SEEING a 16 year old Kris Aquino? Kulang na lang nakasuot ng high school uniform itong si Kris sa Showbiz News Ngayon (SNN) habang idinedepensa ang sarili sa pagkakatawag sa kanya bilang taklesa tulad ni Edu Manzano.

Reacting to a kicker (or subhead) na nalathala sa isang tabloid (hindi rito sa Parazzi), kinorek niya ang naturang reference o comparison. Marunong naman siyang magpasalamat sa press, if not polite siya sa kanyang dealings sa mga ito.

Mapapalampas ko ang “grammatical lapse” ni Kris (when she said in her closing spiel na “I will repeat it again” bilang pasasalamat sa mga local artist na nag-ambag ng kanilang kontribusyon sa memorial album ng kanyang ina). Puwede ring ipagkibit-balikat  ang pagsusumixteen even if she’s no longer amusing most of the time.

Kadedma-dedma rin ang maling interpretasyon ni Kris sa kicker ng mismong ulo ng item. Tinawag siyang “tactless”, pero ang pagiging “thankless” niya ang kanyang naging line of defense.

IN RECENT PAST, sa aking pagdalaw sa The Buzz, ay nasampolan na rin ako ng pagsusuplada ni Kris. To my mind, hindi ko alam ang dahilan, baka wala lang sa mood ang TV host like everyone else who succumbs to mood swings.

Pero ibang Kris Aquino na ngayon ang nakikita ng publiko, and surely, she will also extend her courtesy to me pag napadpad uli ako ng The Buzz. Simple lang naman ang dahilan ng pagbabagong-asal ni Kris sa mga panahong ito: she cannot afford NOT to be nice to everybody.

‘Yun ay dahil kumpirmado nang tatakbo sa pampanguluhan ang kanyang Kuya Noynoy. For once, kailangan ni Kris na magpaka-UNKRIS kung nais niyang maging asset sa kandidatura ng kanyang kuya.

KAYA PALA ABUT-abot ang pasasalamat ni Ruffa Gutierrez kay Princess Revilla sa The Buzz noong Linggo ay dahil mismong ang anak ni dating Senator Ramon Revilla, Sr. ang sumama sa muling pagdinig ng isinampang kasi ni Lorraine Pardo laban kay Richard Gutierrez.

In full force ang pangkat ng mga Gutierrez, sumama rin si Pilita Corrales. Ito’y sa kabila ng kawalan ng anunsiyo sa parte ng pamilya Gutierrez na tuloy ang hearing.

Ayon sa ilang nakasaksi sa presensiya ng dalawang magkasalungat na panig, punumpuno ng irapan sa korte.

Minsan nang nagdeklara si Tita Annabelle na wala ni anumang benepisyo ang matatanggap ng biyuda ng personal assistant ni Richard na nasawi sa car accident. Bunsod ito ng pagdedemanda ni Lorraine bilang pagsuway umano sa kanilang kasunduan.

Ang tanong : Ano’ng partisipasyon ni Princess sa naturang kaso ?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMaja Salvador, bulilyaso kay Jun Pyo! – Chit Ramos
Next articlePinoy Parazzi Vol. II Issue #145

No posts to display