NAKAKAINTRIGA ANG Etiquette For Mistressess nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado, at Cheena Crab na idinirek ni Chito Roño at inspired sa best-selling na aklat ni Julie Yap-Daza.
Ngayon lang magpo-portray ng kakaibang character si Kim bilang kabit ng isang politician. Boyfriend ni Kim si Zoren Legaspi who is married to Aiko Melendez, who’s running for the presidency. “Obviously, my partner is one of their political backer, so she is a national scandal waiting to happen. So, ‘yung mentoring is to teach her at nakita naman niya ‘yan kasi galit na galit siya kung bakit siya kinukulong. She get’s two fairy godmather. ‘Yung isa, go go go, enjoy life, ‘yun inom-inom, party-party, ganu’n. ‘Yung isa naman, hindi, mahiya ka, stay inside. The way to keep him is to keep yourself like a ghost, ganu’n. The two sides, the two roads you can take.”
Inamin ni Kim na alinlangan siyang tanggapin ang project, dahil kakaiba at mature role ang character na kanyang gagampanan. Paliwanag niya, “Bago siya, in 9 years ko sa showbiz, hindi ako gumaganap ng ganitong role. Nang ibigay sa akin, ang tagal kong sumagot. Humingi muna ako ng script dahil nakakakaba. Sabi ko, may susuporta ba sa akin dito? Nag-explain sila hanggang si Ate Kris nagsabi sa akin. Ang dami niyang sinabi hanggang nasabi ko, oo nga. Bakit hindi ko naisip ‘yun? It’s time for me to mature, hindi na ako dapat na pabebe. Kailangan ko ring tumanggap ng isang proyekto na magiging actress ako at woman na ako. Pagkatapos ng movie, ‘yun ang nasabi ko. Marami rin akong natutunan in terms of love at sa apat na artistang nakasama ko. Sa love, It’s about respect, attraction, love, choice, and your decision.”
Naging vocal naman si Kris sa mga past relationship niya with married men. “It’s not a secret I was into relationships with men who is not annul. So deadma, ‘di ba? It’s reality, wala akong itinatago dahil alam naman ni Bimb (Bimby). The only person I’m answerable to is eight years old. Alam niya, kasi sabi ko, mababasa niya sa Internet, mapapanood niya sa YouTube. So sinabi ko, hindi madali kasi, ‘you really judge. I heard that word so often that kabit because hindi pa plantsado at hindi pa maayos. Dumaan din ako sa marriage na nagloko ang asawa ko so I did, I look that love from both side now, ika nga. Sa totoo lang, pipiliin ko ‘yung madali. ‘Yung wala kang kaagaw, wala kang kailangang ka-share. Tama nga ‘yung sabi ni Iza, ‘Who really wants to share a man?’ And sometimes, also you realize na you have to go through those lessons to know what’s really matters to you. And you have to make mistakes for you to know what is right and what is wrong and the consequences. Because I paid those consequences three times,” pahayag ng Queen of All Media.
Napag-usapin din sa presscon ang divorce kung in favor ba sila na magkaroon ng batas nito sa Pilipinas? Agad sumagot si Kris, “Yes, I am. I’m sorry. I’m a devote Catholic, but I disagree with the point of view of the Church na ayaw ng divorce, because I’ve been through an annulment. I know how painful it is. Mas gusto ko talaga ‘yung irreconcilable differences… Not that I’m saying, kasi sa akin, kung kinasal ka dapat forever, kasi may forever. Forever ang mom and dad ko, forever ‘yung kapatid kong babae. Pero mahirap talaga, mahal…. mahirap, masakit… kailangan mong balikan lahat ng issues na nagpasakit at nagsira sa inyong dalawa.”
Sambit naman ni Iza, “It’s is the child who suffer.” Dugtong ni Claudine, “Okay sa akin ang divorce. Kagaya ng sinabi ni Kris, pinagdadaanan ko ngayon.” Maging si Cheena ay in favor sa divorce, dahil legal ito sa America. “Kung hindi na nagmamahalan at hindi na masaya, mag-move on na.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield