May bago na tayong Presidente sa katauhan ni Rodrigo Duterte.
Kaninang umaga, bago mananghali sa Malacañang Palace isinagawa ang formal inauguration sa bagong presidente ng Pilipinas.
Sa katunayan, maagang nakauwi si former President Noynoy Aquino na ngayon ay makikilala na bilang citizen Noy.
Pero bago umupo officially bilang presidente si Digong, as expected ay hihingan ng kanyang statement ang bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino, na alam naman natin ay very supportive sa kanyang kuya.
Sa kanyang Instagram account, may mensahe ang Queen of All Media last night sa kanyang kuya na lumisan na sa Malacañang at magiging ordinaryong citizen na at sa Times Street (bahay ng mga Aquino sa Quezon City) na maninirahan. “In case you get lonely, you have 3 noisy, makulit, energetic housemates (Kuya Josh, Bimb, and me) ready to occupy your guest room & keep you company whether you like it or not. #ThankYouPNoy”
Pinasalamata din ni Tetay ang mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na nag-alaga sa kanyang kuya at sa kanilang magkakapatid for the past six years.
Kaninang umaga (Thursday, June 30), hindi kasama si Kris Aquino sa mga imbitado sa Malacañang para saksihan ang pamamaalam ng kanyang Kuya Noy.
Pahayag niya sa isang interview sa inauguration ni VP Leni Robedo, kung saan imbitado siya at dumalo at isa sa mga masugid na supporter ng bagong vice president, “Hindi (imbitado), si Noy lang. I think, ‘yun lang naman, ‘di ba? Kasi hindi naman kami asawa. Kapatid lang kami,” paliwanag niya.
Sa Times Street residence ng mga Aquino, ordinaryong pag-welcome lang ang inihanda ng mga kasama ni Noynoy sa bahay at ng mga kapatid niya. May handang lunch, pero hindi na nakialam si Kris sa preparasyon.
Sa pagsalubong kay Noynoy pabalik sa kanyang bahay sa Quezon City, mas nauna pa ang mga “epal” (tawag ng mga miron) na sina Jim Paredes at Leah Navarro sa bahay ni Noynoy, kumpara kay Kris at sa mga kapatid nito.
I’m sure, maraming tsikang kanegahan na naman ang mga dilawang miron tungkol sa bagong pamahalaan.
On the lighter and more positive side at usaping showbiz, last weekend ay nakapuslit sa Pinas si Kris para mag-taping sa morning show ng kanyang inaanak (sa kasal) na si Marian Rivera, na “’Yan Ang Morning” para sa GMA 7, kung tama ang telecast schedule ng guesting niya ay ipapalabas na bukas (Friday).
‘Pag natapos ang grand vacation ni Tetay, magbabalik siya sa showbiz sa mas maraming bagong shows at mas bagong konsepto.
Balita namin na bukod sa bagong talkshow ay may isang travel show na gagawin si Tetay.
Reyted K
By RK VillaCorta