KALOKA ANG komentaryo ni Kris Aquino na ikinumpara ang sunburn niya nang i-tour niya ang mga asawa ng mga dignitaries na dumalo sa APEC sa Fort Santiago sa dusa ng taumbayan na naglakad sa init para makapasok sa kanilang pinagtatrabahuan sa trapik at abala na nilikha ng APEC na kulang pa rin sa plano na hindi inalintana ang nilikhang abala sa mga “boss” ni PNoy. Sa totoo lang di ko talaga maintindihan ang sensitivity ng isang Kris Aquino.
Sabihin ba naman na “quits” na ang sunburn na natamo niya sa hirap na dinanas ng taumbayan dahil sa abalang dala ng APEC. Heto’t Kris says sorry.
Manhid ba siya? Bastos? Walang modo gayong aral naman sa isang matinong paaralan tulad ng Ateneo de Manila University. Parang wala siya pakialam sa ibang tao na kapag may nasabi siya na hindi wasto sa inaasahan sa kanya at kaliwa’t kanan ang banat ng netizens, hihingi na lang siya ng sorry. Para lang siya tumalak kay Darla (Sauler na head writer niya sa Kris TV) na ganun-ganun na lang.
Dahil sa negative reaction ng taumbayan sa sinasabi niya, heto’t humingi na naman siya ng sorry sa tinuran niya sa kanyang Instagram account.
Ang post ni Tetay: “I humbly apologize for my self-depricating humor Thursday night that came across as being spoiled and insensitive. I’m sorry,” pagtatawid niya.
Sa kolehiyo or finishing school ba may kurso na puwede ituro na huwag maging bastos; na maging sentitibo sa feelings ng ibang tao? Kahit wala ako datung, gagawin kong scholar si Tetay.
Reyted K
By RK VillaCorta