First interview ni Kris Aquino on television ang ginawa niyang guesting sa morning show ni Marian Rivera na “‘Yan ang Morning” kanina sa GMA 7.
Mula nang dumating siya, kung hindi ako nagkakamali, first time niyang sumalang in front of the camera para magkuwento ng kanyang almost two months vacay sa Hawaii at sa Amerika.
Daming revelation ni Tetay sa guesting na ‘yun sa show ni Marian na inaanak niya sa kasal.
We’ve learned na sa Hawaii, nag-stay sila sa haybols ng isang kaibagan niya bukod pa sa bagong sort of a theme park-hotel sa Honolulu kung saan nag-enjoy ang mga anak niya na sina Kuya Josh at Bimby.
Sa Hawaii, namuhay sila as ordinary citizen. Siya ang naghahanda ng pagkain nilang mag-anak na sa simple living na ginawa ni Kris and her kids, marami silang natutuhan.
Kuwento ng Queen of All Media, bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang gawain sa bahay. Si Kuya Josh, siya ang tagatapon ng mga basura. Si Bimby naman ay tinuturuan niyang magluto.
Isang kasambahay lang ang kasa-kasama nila sa bakasyon na ‘yon para mag-assist sa kanya, pero most of the work pambahay, hands on siya.
Sa show ni Yan, nagpasiklab si Tetay ng kanyang special “Binagoongang Baboy” na favorite din ng mga kapatid niya. Tinuraan niya si Marian na magluto ng favorite ulam niya.
“‘Di ba nagbe-bake ka?” tanong ni Tetay sa morning show host. Napag-alaman ko na favorite daw pala ng mister niyang si Dingdong Dantes ang kanyang bini-bake na carrot cake.
Sa show, tinuraan naman ni Marian Rivera si Kris ng flower arrangement na nag-take time si misis na pag-aralan na ngayon ay magiging business na niya ang flower shop na isa sa mga negosyo na kanyang papasukin.
Sa show, inamin ni Tetay na zero lovelife pa rin siya sa kabila ng almost two months niyang pamamahinga.
Pero may cliffhanger siya na sinabi: ang dalawang anak lang niya na sina Kuya Josh at Bimby ang nakaaalam kung ano ang laman ng puso niya.
Basta, si Tetay, may regular textmate na who knows, ito na ang pupuno sa puso niya na matagal nang bakante.
Welcome back, Ms. Kris Aquino. Bumalik ka na sa telebisyon at miss ko na rin ang pagiging tsikadora mo.
Reyted K
By RK VillaCorta