KUMALAT ANG balita na papasok na rin sa pulitika si Kris Aquino pagkatapos ng term ni PNoy. Pero kaagad itong tinuldukan ni Kristeta.
Sa The Buzz last Sunday, kinumpirma ni Kris na wala siyang planong tumakbo sa 2016. At ang nakatutuwa pa ay si Ms. Nora Aunor pa na guest nila that day ang nagtanong kay Kris kung tungkol dito.
Sabi ni Nora, marami na raw nga ang bali-balita na tatakbo si Kris na sinang-ayunan ng mga host na sina Boy Abunda at Toni Gonzaga. Para matigil na nga raw ang tsismis, pinagdiinan ni Kris na hindi raw talaga dahil ang priority daw niya ay ang mga anak niya more than anuthing else in the world.
Nakatakda na raw pakasal ang yaya ni Bimby sa September at iiwan na sila.
“The yaya was there from the start, siyempre wala kami ni James (Yap), so I really promised him na for the entire adjustment period, I’m gonna be there,” say ni Kris.
“Ang pulitika requires someone who has no other responsibility but the responsibility to serve the constituents. Boy, I want to be the best mom I can be and I cannot the best mom I can be if hahatiin ko,” dagdag ni Kris.
Ang talagang gusto raw niya ay mag-expand ng kanyang Chowking Fast Food na ngayon ay may 3 branches na. Ang pangarap daw niya ay magkaroon ng 8 branches. At pakiramdam daw niya ay ang pagiging businesswoman ang calling niya at hindi politician.
Isa pa, kapag natapos na raw ang term ni PNoy pagkatapos ng 2016 election, gusto rin daw niyang tulungan ito at alagaan dahil 56 years old na ito that time.
Samantalang sa The Buzz din nalaman ang tunay na pinoproblema ni Nora na guest that day sa show. Gusto talaga ng Superstar na mapagamot ang nawala niyang boses at malaking halaga raw ang kailangan niya para maisakatuparan ang gagawin operasyon.
At para matupad ang matagal nang pinoproblema ng Superstar, nangako sina Kuya Boy at Kristeta na sila na raw ang gagastos sa pagpapa-opera sa nawalang boses ni Nora Aunor.
Well, sana lang ay pagkatapos ang operasyon ay manumbalik na muli ang ganda ng boses ni Nora para makakanta na muli ito.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo