Kris Aquino, mas tamang tawaging ‘Queen of Social Media’

Kris-AquinoQUITE A number of viewers ang nag-react sa feature story ng Startalk nitong Sabado tungkol sa ilang mga celebrity na in-unfollow ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account, only to follow them anew.

Partikular na inalmahan ng ilan lang naman sa kanila—apparently Kris’ blind supporters—ang isang voice-over line sa script, kung saan ang naging reference sa Presidential Sister ay “self-proclaimed Queen of All Media”.

We have tackled this before sa aming kolum, and we are saying this piece again.

Maaaring hindi si Kris mismo ang naggawad ng bansag na ‘yon sa kanyang sarili, but for sure, when someone broached the idea, she must have exclaimed, “Love it… it’s so pasok sa banga!”

But lest we forget, all-encompassing ang titulong ‘yon, na kapag sinabing all media, nariyan ang broadcast (radio and TV), print at advertising. On this premise, teka, may radio program ba si Kris to satisfy all the elements na kaakibat ng bansag attached to her name?

Since aktibo naman siya sa kae-emote sa Instagram, a more appropriate title would be Queen of Social Media! Puwede ring Queen of Socializing with the Media, well, sa tuwing may pelikula nga lang siya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBilly Crawford, tinawag ni Coleen Garcia na ‘stage boyfriend’
Next articleDesiree del Valle, simpleng-simple lang ang buhay sa likod ng camera

No posts to display