EWAN KUNG kailan igagawad o ibibigay kay Tito Dolphy ang karangalan bilang National Artist. Tapos na sina Carlo J. Caparas at Cecille Guidote-Alvarez, pero ang isang Dolphy na pitong dekada nang nagbibigay-aliw sa mga manonood at binansagan pang “Comedy King”, kelan?
Sabi nga namin sa twitter, “Kelan ibibigay? ‘Pag wala na?”
Kahit ang patay, palibutan mo ng bulaklak, hindi na niya maaamoy ‘yan, eh. Sana, nu’ng malakas-lakas pa si Tito Dolphy at kaya pa niyang buhatin ang parangal
at kaya pa niyang magbigay ng speech at pasasalamat, du’n ibinigay.
Me nakapagsabi naman sa amin, “Eh, merong pulitika diyan, eh. Sino ba ang ikinampanya ni Tito Dolphy bilang presidente? Si Manny Villar, ‘di ba?
“Kung si Manny Villar ang Presidente ngayon, baka isinabay pa ‘yang pagbibigay para-ngal kay Tito Dolphy sa proclamation.”
Sabi namin, “Ba’t si P-Noy ba ang magdedesisyon?”
Ang sagot naman sa amin, “Malaki ang magagawa ni P-Noy para maigawad agad kay Tito Dolphy ‘yan. Walang ipinagkaiba sa executive clemency na ibinigay ni P-Noy sa ilang lolang inmates sa Correctional.
“Ang tagal bago pirmahan ni PNoy ‘yung ibang candidate para makalaya na, pero ‘yung ibang binigyan niya ng executive clemency, hindi na na-enjoy ng matatanda, dahil patay na sila nu’ng pinirmahan ni P-Noy.”
INAMIN NI James Yap pala sa kanyang exclusive interview kay Ces Drilon para sa Bandila na nagbibigay siya ng child support para sa anak nila ni Kris Aquino, pero tinanggihan daw ni Kris, “Kaya ang ginawa ko na lang, sine-save ko na lang para paglaki ni Bimby!”
Kung totoo ‘yung sinabi na ‘yon ni James, iniisip namin ngayon, ano ‘yon? Pride? Ba’t ayaw tanggapin? Eh, hindi naman para sa kanya ‘yon kundi para sa anak niya?
Alam naman naming kayang-kayang buhayin ni Kris ang mga anak niya hanggang sa matigok ang mga ama nito (knock-on-wood). Alam din naming hindi naman niya tinatanggalan ng karapatan ang mga bata na makapiling ang respective tatay nila.
But if we were Kris, ibigay niya ang karapatan bilang tatay na suportahan ang anak nila. Lumalabas tuloy na sobrang mataas ang pride niya at ayaw niyang umasa ni singkong duling sa mga ama ng anak niya kahit hindi naman para sa kanya at para naman sa mga anak niya.
Anyway, kanya-kanya naman tayong palakad sa buhay. Sana lang, bigyan ni Kris ng “papel” ang mga tatay sa buhay ng anak nila.
HINDI NA muna pala gumagawa ng mga teleserye ang TV5, ‘no? Puro Asian telenovela muna sila at hindi malinaw sa amin kung ano ang dahilan nila. Ilang artista lang ang nakakausap namin at humihingi rin ng tulong sa amin sa ABS-CBN, dahil wala na raw silang work sa Singko.
Eh, alam n’yo namang hindi gano’n kadali ang makapasok nang bigla-bigla sa ABS-CBN. Unless, swak na swak ang talent na ‘yon sa hinahanap nilang character sa teleserye.
And we just realized na dapat pala talaga, marami kang alam na trabaho, ‘no?
Kung pag-aartista lang ang alam mo, nganganga ka sa pag-hihintay ng trtabaho. Pero kung hindi lang pag-arte ang alam mo at marunong ka ring mag-host, magpatawa, mag-produce o mag-direk, hindi ka mawawalan ng work.
Ang mangyayari lang, magpapalit-palit ka lang ng work.
Buti na lang kami, ‘pag walang teleserye, p’wede kami sa talk show. ‘Pag minalas-malas naman, puwede pa rin kaming magpaka-active sa pagsusulat o kaya mag-produce ng mga show sa Zirkoh.
Part time talent manager din kami ng ilang artista, at nakapag-produce na rin kami ng indie film. Heto nga’t binabalak naming matutong magdirek kahit indie film, eh. ‘Yan naman ang bago naming pangarap, hehehe.
Aba, in fairness to us, nagsimula lang ang career namin sa isang munting pangarap – ang maging reporter. Hindi namin alam, marami pala kaming puwedeng i-discover na “hidden” talent namin, hehehe.
Basta wala lang bisyo, wala lang tinatapakang ibang tao, at hindi lang nanlalamang at marunong lang makipagkapwa-tao, definitely, you’ll go places.
Oh My G!
by Ogie Diaz