AYAN, HUH, nakauwi na si Kris Aquino at mga anak mula sa isang engrandeng bakasyon sa Europe. At may photos pa and videos kung saan benendisyunan silang mag-ina ng Santo Papa.
Now, isang news insider ng TV5 ang nagtataka-nagtatanong, bakit parang namimili si Kris lagi ng pagbibigyan niya ng panayam? Matatandaang noong umalis sila last March 23, dalawang istasyon lang ang kanyang pinayagang maka-interview sa kanya sa lounge ng NAIA, ang GMA at ABS-CBN, pero wala sa News5.
Ngayong nakabalik naman siya, Channel 7 din lang and of course ang kanyang home network ang binigyan niya ng photos and vids ng kanilang pamamasyal sa Europe especially ang pagbisita nila kay Pope Francis.
May ‘galit’ ba si Kris sa Singko? Anyway, tinanong namin ang news insider kung nag-request ba sila mula sa kampo ni Tetay ng panayam at mga pics niya sa bakasyon, mataray na sagot nito, na dati raw ay may hinindian nang news personality itong si Kris mula sa TV5 kaya parang ang dating, kung gusto ni Kris na mamahagi ng impormasyon sa Singko, matagal na dapat niyang ginawa. Nag-sorry naman daw si Kris sa news personality na hindi niya pinagbigyan ng panayam, so deadma na lang daw. Eh, ‘di deadma!!!
NATULOY NGA noong Martes ang pictorial ni Krista Miller at ang tsika sa amin ng aming kaibigang nakasaksi ay talagang walang kiyeme ang binabansagang ‘kabit daw’ sa pagpo-project sa camera. Imbitado kami sa pictorial pero hindi kami nakadalo kaya nakibalita na lamang kami.
Sinabi ni Krista na sa mga blessing na kanyang tinanggap daw sa ngayon, alam niyang ito’y sa kadahilanang may talent siya at hindi dahil sa kontrobersiya. Pero ano tong balitang karamihan daw sa kanyang lay-out ay gayang-gaya sa mga lay-outs din ni Sunshine sa isang men’s mag kung saan April cover ito? At ang the height, mas tinalbugan pa raw ng tinatawag ding ‘starlet’ na si Krista.
Pero tanggi niya sa interview ng TV Patrol, “Bahala na sila kung anong gusto nilang sabihin basta ako ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko, kung ano ang ipapagawa sa akin na pose, iyon ang gagawin ko. Wala naman akong ginagayang peg ng ibang artista.”
Sa kasagsagan ng panayam, bumigay naman at na-ging emosyonal si Krista. Ito ay sa dahilang malapit na raw siyang bumigay noon dahil sa mga batikos na kanyang natanggap. “Noong una sobrang matapang pa ako. Nu’ng dumating sa point na sumuko ako, nawalan ako ng gana na parang hindi ko na kaya ang ganitong buhay, ‘yung parents ko ‘yung nagbigay sa ‘kin ng lakas ng loob. Sila ang naging motivation ko.
“Sa ngayon, sa Instagram kahit paggising ko sa umaga, ayan na ang dami ng fake accounts na talagang binabatikos pa rin ako. Pero dedma na. Siraan nila ako nang siraan, gawin nila lahat ng kaya nilang gawin, basta ako kung ano ang pangarap ko, doon ako.”
Ang labis daw niyang dinamdam ay noong ang mga magulang na niya ang pinuntirya ng bashers. “’Yung mga sinasabing homewrecker, kabit, maninira ng pamilya, paulit-ulit kasi. Pero ‘yung pinakamasakit ‘yung about sa family. ‘Yung dinadamay na nanay mo at tatay mo. Doon ako napuno, du’n ako sumuko.”
Dagdag pa sa ulat, sinabi ni Krista na gusto daw niyang magpaliwanag kay Sunshine sa tamang panahon, pero hindi raw kasama rito ang paghingi ng ‘sorry’. Sabi niya, “Siguro hindi sorry ‘yung kaya kong ibigay sa kanya kundi comfort, kasi ‘yun ‘yung kailangan niya, eh.”
HAPPY NAMAN kami dahil isang kababayan namin mula sa Poro, Camotes Island in Cebu ang pasok pala sa BB. Pilipinas Gold na gaganapin ang coronation night sa Sunday, April 14.
Hindi naman kasi kami masyadong mahilig sa beauty pageants kaya deadma lang nang ianunsiyo ang official candidates nito. Pero nang nakita namin sa Facebook na mula pala sa Poro, Cebu itong si 25-year old na si Matet Cabahug Gorgonio (number 30), medyo nagkaroon tuloy kami ng sobrang interest na abangan siya sa finals night.
Hindi na rin pala baguhan sa beauty pageants itong si Matet ha? Dahil Miss Teen Philippines 2005 finalist siya, Miss Cebu 3rd runner-up noong 2007 at kinikilala rin siyang one of the top models ng Cebu. Wish namin na makakuha siya ng magandang puwesto sa patimpalak. Gora girl, make Camotes Island proud and of course Cebu as well.
Ayan, na-miss tuloy namin ang aming islang tinubuan, ang Daan Paz, Poro, Camotes Island in Cebu, kung saan kami lumaki (lumaki nga ba?) nagkaisip at nangarap.
Sure na ‘to
By Arniel Serato