BALIK-SOCIAL MEDIA na ulit si Kris Aquino pagkatapos niyang magpahinga sa isang resort sa Puerto Galera.
Okey na raw ang kanyang pakiramdam at kaya nagpakita na ulit siya sa mga followers sa pamamagitan ng Facbook Live session noong May 9 ng gabi. Namigay din siya ng P5,000 sa 10 lucky followers bilang regalo niya para sa Mother’s Day.
Sa FB Live, inamin ni Kris na na-enjoy niya nang husto ang pagtira sa split-level villa sa Puerto na overlooking sa the beach.
“Gusto ko ang buhay probinsya. Yung dalawang bata nag-react na parang hindi sila nag-a-agree (laughs). Ako masaya kasi malakas naman yung internet so okay na ako. Kasi by the beach kami, eh, parang dito pag ang tanawin mo ang linis linis, sobrang linis ng tubig,” kuwento niya.
Sinagot din ni Kris ang tanong kung may balak na ba ulit siyang bumalik sa TV lalo na ngayong okey na ang kanyang kalusugan.
Tugon niya, “Hindi ganun kadali yun, kasi wala naman akong network of my own so… Honestly, this is also part of my journey to accept na there are certain things na from the past na baka hindi na babalik to what it was.
“So, I’m really okay with what I have and with who I have in my life. So if I’ll never have a TV show again, I’m fine with that because I’ve had some of the best already and some of the most wonderful experiences.”
Pero open naman daw siya sa possibility, if ever, na merong mag-offer sa kanya.
“If something special does come and merong dumating then I’ll be the most grateful person kasi hindi ko yun ini-expect na mangyayari. So who knows di ba?
“Parang now you realize na life is really so unpredictable. Hindi mo alam kung anong mangyayari, hindi mo alam kung anong naitadhana para sa yo,” sambit pa niya.
Habang nasa Puerto at sumasailalim sa ECQ ang bansa dahil sa covid-19 ay ibinihagi rin ni Kris ang kanyang naging realization.
“Mahirap mag-complain na nandito kami, malayo yung mga kapatid ko and all, kasi parang alam ko na mas mahirap di hamak ang pinagdadaanan ng 99% of the population because we have a comfortable place to stay in, marami kaming pagkain, I am able to take care of my two boys.
“Na-realize ko na through this whole experience na I should not ever feel that life is difficult because so many people have it so much worse. Na parang mas madami silang pinapasan kesa dun sa mga hardships na sa amin and it’s really very different.
“Totoo naman talaga na naawa talaga ako sa mga daily wage earners na ngayon sobrang hirap na hirap at yung mga natatagalan bago nila makuha yung ayuda nila, yung mga pumipila ng napakatagal para makuha yun,” paliwanag ni Kris.