UMALIS last night, July 28 si Kris Aquino kasama ang mga anak na sina Bimby at Kuya Josh for a short vacay na sa pagbabalik ng Star of All Media ay magsisimula na siya sa kanyang bagong project with Derek Ramsay.
Yes, tuloy na tuloy na at walang atrasan si Tetay sa gagawin niyang Metro Manila Film Festival Entry na isang horror movie called (K)ampon.
Sa lumabas sa YouTube interview sa original Box-Office Queen sa usaping pelikulang kakatakutan, excited na siya humarap muli sa kamera kung saan sa bawat horror movies na ginagawa niya, walang palya ay hit ito sa takilya.
Sa latest interbyu sa kanya, ipinahayag niya: “I’m very excited about it. It’s my return to horror after five years and it’s part of the Metro Manila Film Festival. Thanks to the two of them (Josh and Bimby) dahil pinayagan nila ako to do a movie. Nag-ask permission talaga ako, ‘Are you allowing mama to do the movie because the movie is horror and there is a love scene,” sabi niya sa kanyang interyubyu na mapaanood ngayon sa YT.
Gagawin ni Kris ang pelikula with Derek na may super hot love scene sila ng pinapantasyang hunk na ipinaliwanag pa ng maigi ni Tetay sa bunsong anak na may intimate scene sila ng kapareha.
Paliwanag niya kay Bimby kung bakit may gayong eksena: “I’m going to have a baby. How do you have a baby without a love scene? Sabi ni Bimb, bilhan ko lang daw siya ng 20 games for the X-Box and I don’t know where else na games and I get to do a love scene.
“Kasi sabi niya naman, ”Mom, we’re in the Philippines. What kind of love scene is that really going to be? And you have endorsements, so I really doubt that you’re really going to show anything and what are you really going to show, you’re all bones,” pagaalala ng kanyang bunso sa gagawin na eksena sa pelikula.
Ang dapat abangan ng publiko sa pelikula ni Tetay at Derek ay hindi lang ang kuwento ng pelikula kundi ang super hot na love scene nila ni Derek na ilusyon pa rin ng mga girls at mga bekis.
Reyted K
By RK Villacorta