Kris Aquino, mayayaman at sikat lang ang kinakaibigan

Kris-AquinoWHETHER SHE admits it or not, Kris Aquino’s public image is like a heap of stinking garbage na pabaho nang pabaho with all the flies around it every single day.

Nagsimula ‘yon sa kanyang mga emote tungkol sa naunsiyami na naman niyang lovelife sa inakala niyang knight in shining armor sa katauhan ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, so unbecoming of a Presidential Sister na mauubusan na yata ng mga lalaki.

Sinundan ‘yon ng aniya’y ‘di naman daw niya sinasadyang pag-post sa kanyang Instagram account ng thank you note ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto with the latter’s misspelled word (truely) and ungrammatical usage (bless).

As a consequence, parang isang lata ‘yon ng mga bulateng nabuksang muli. Ang matagal na kasing nananahimik na silent rift nina Kris at Ai-Ai de las Alas is like a dead person brought back to life.

And take note, nakahanap ng kakampi si Ai-Ai sa katauhan ng kanyang bunsong anak na si Sophia sa pagtatanggol sa kanyang ina laban sa mga pro-Kris bashers.

Ayon sa kampo ni Ai-Ai, mga mayayaman at sikat lang naman daw ang kinakaibigan ni Kris.

Personally, idagdag na rin namin sa mga gustong kaibiganin ni Kris ang mga tulad niyang may “something” sa pagitan ng dalawang tenga. In short, not only does Kris befriend the rich and famous, kailangang intelihente ring tulad niya.

Sa aming personal na karanasan kay Kris bago pa namin siya nakatrabaho noon sa Startalk at sa The Kris Aquino Show sa PTV 4, we could attest to her—sa wikang Ingles—CONDESCENCION. Simple lang ang ibig ipakahulugan ng salitang ito: pagmamaliit o pagmemenos sa pagkatao ng isang tao.

Sariwa pa sa aming memorya ang pagdalaw namin noon sa set ng pelikulang Ang Siga at Ang Sosyal. Mid-90s ‘yon, ang siga ay ginagampanan ni Richard Gomez. Obviously, Kris was the sosyal.

Sa isang beach ang press visit na ‘yon, kung saan nagkaroon muna ng kaswal na interbyuhan kay Kris sa isang open cottage.

Bago pa man ang imbitasyong ‘yon ay bantulot kaming sumama. Admittedly, hindi kami kumportable kay Kris na noon pa ma’y kinakikitaan na namin ng mga palatandaang sinusukat niya ang kanyang bawat kausap sa kakayahan, katalinuhan o antas ng edukasyong naabot nito.

Ang open cottage na ‘yon na sa simula’y napaliligirian ng ilang imbitado ring reporter ay nahubaran ng tao. Kanya-kanyang pulasan na kasi ang mga kabaro namin who probably chose to swim.

Ang ending: kaming dalawa ni Kris ang naiwan sa pawid-made beach shelter na ‘yon labag man sa aming kalooban.

Kabastusan naman sigurong maituturing kung lalayasan din namin siya. With only the two of us na tila stranded on an island, neither one of us wanted to break the ice.

Nagtagal ang moments of silence na ‘yon. But knowing Kris na ang baterya ng kanyang utak ay pinagagana ng kanyang matabil na bibig ay hindi rin siya nakatiis na ibuka ito.

Kris: Ron, where did you graduate?

Imagine, as an ice-breaker—kung hindi ba naman condescending ang hitad—ay ‘yun agad ang tanong ni Kris?

Ron: Kris, I graduated from the university whose dean of the Institute of Arts and Sciences is your aunt (Josephine Cojuangco-Reyes).”

Hindi na nakapagsalita si Kris like a mouth gagged.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJames Reid, matamlay ang pagpu-push sa career
Next articleDaniel Padilla at Kathryn Bernardo, kapansin-pansin ang ‘touch gesture’

No posts to display