AYAN na at lumabas na sa iba’t ibang online sites ang kumpirmasyon ng first international film project ni Kris Aquino na “Crazy Rich Asians” para sa international film director na si Jon M. Chu na direktor ng mga pelikulang “Step Up 2”, “Justin Bieber: Never Say Never”, at marami pang iba.
Ang tsikang balita ay makasasama ni Tetay sa naturang pelikula ang international Malaysian actress na si Michelle Yeoh of the famous film “Crouching Tiger, Hidden Dragon”, a James Bond film “Tomorrow Never Dies” at marami pang iba.
Isang magaling na actress si Michelle na nagkaroon na ng iba’t ibang papuri at parangal sa iba’t ibang award-giving bodies.
Bukod kay Michelle, makasasama rin ni Kris ang iba pang magagaling na Asian actors from the stage at pelikula tulad nina Henry Golding, Constance Wu, Sonoya Mizuno, and Gemma Chan.
Checking the individual online sites ng mga nabangit na international stars (bukod kay Michelle), hindi kaya namali ang casting director na maisama si Tetay dahil hindi naman siya aktres tulad ng mga nabanggit na Asian stars?
Saludo ako kay Kris as a celebrity host at wala akong question sa isyung ito.
Keri kaya niyang makipagsabayan sa usaping acting o baka diyahe naman na magpaandar si Tetay sa kanyang “Feng Shui” type of acting? Nakahihiya naman.
Ewan ko kung oks lang sa producers ng “Crazy Rich Asians” ang pagkasali ni Tetay sa naturang project.