SOBRANG APEKTADO na ang lahat sa nangyaring trahedya sa pagkamatay ng 44 na police commandos ng SAF sa nakaraang enkuwentro sa Maguindanao.
Involved na involved na ang mga tao kaya dinagsa nito ang burol nila sa may Camp Bagong Diwa at karamihan ay nagbigay ng tulong diretso sa pamilyang naiwan. Pati sa showbiz ay apektado rin.
Nu’ng nagpa-presscon nga ang Puregold na kung saan si Luis Manzano ang bago nilang endorser, nagdasal muna para sa 44 Fallen Heroes bago sinimulan ang presscon.
Halos lahat na mga celebrities ay nagbigay ng kanilang saloobin na inilabas sa kanilang Instagram account.
May iba nga nagtatarayan pa dahil magkakaiba sila nang paniniwala.
Kaya lang ang talagang inalipusta nang husto ay ang presidente natin na hindi mo talaga naramdaman ang taus-puso niyang pakikiramay sa pamilyang naiwan ng 44 na police commandos.
Pati nga si Kris Aquino, nadamay pa na inalipusta nang husto sa kanyang Instagram account.
Nanahimik ito nu’ng una, pero bandang huli sumagot na rin siya at sinabi niyang pumunta nga raw siya sa burol ng 44 na police commandos at nakiramay siya roon. Ayaw lang daw niyang ipabalita pa ‘yun o i-post sa IG account niya dahil ayaw lang daw niyang mapagbintangang umeepal.
Pero kahit ano pang sabihin niya, hindi pa rin napapanatag ang kalooban ng mga tao.
‘Di ba ‘yan din ang ipinagtampo ni Ai-Ai delas Alas na hindi man lang sila pumunta sa burol ng ina niya? Ewan ko ba? Naturingang public servant o public property, takot pumunta sa burol!
Tingnan natin ang kalalabasan nito. Sana matuloy ang imbestigasyon at lumabas lang ang katotohanan.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis