Sakit niya ang dahilan kung bakit lulubog-lilitaw si Kris Aquino. Ito ang rason kung bakit bakit siya palaging nag-a-abroad.
‘Di nga ba’t nagpaalam si Tetay noon sa kanyang morning show na “Kris TV” at nagpunta sa Hawaii para magbakasyon? ‘Yun pala, simula na ‘yun ng palihim niyang pagpapakonsulta sa mga doctor na nag-aantabay sa lagay ng kanyang kalusugan.
Nang bumalik sa bansa, hindi na siya pumirma ulit sa ABS-CBN. kundi nagpalutang-lutang muna siya kung babalik ba siya sa telebisyon o sagarin na ang pamamahinga.
Dahil sa nga mahalaga ang kanyang kalusugan, mas binigyan niya ng prayoridad ito kaya naudlot na naman ang pagbabalik-telebisyon niya. ‘Yong interbyu niya supposed to be kay Presidente Digong noon na hindi natuloy ang siya sanang ng comeback project niya after na nawala siya sa eksena.
Ngayon, nasa San Francisco, California siya para magpa-total check-up. Sabi ng kaibigang Dindo Ballares na close kay Kris, tungkol daw ito sa hindi stable na BP niya na nakatatakot nga naman sa kabila ng mga maintaince drug na iniinom niya.
Ibinahagi ni Tetay sa kanyang social media account ang lates tungkol sa lagay ng kanyang kalusugan after ng kanyang check-up kamakailan.
Pagbabalita ni Kris: “Clean bill of health… Thank you for all your prayers. All tests came out good. I just need to change my maintenance medication & I had to promise Dr. Colman Ryan that I will religiously do 45 minutes of moderate aerobic activity, swimming or yoga 5X a week.
“The best Christmas gift I received was the extraordinary care & attention given to me by Dr. Alex Yap, I don’t exaggerate when I say he’s the most thorough & compassionate doctor I’ve ever had the privilege of being taken care of… My sincerest gratitude to everybody who gave me my tests & assessments at Seton Hospital. Because of the good findings, we (the kids, Bincai, Alvin & Dr. Aye Nuguid) will be home by Christmas Day. Thank you to 1 of my best friends, Gary Garcia, for flying to the Bay Area to make sure we’d always have a ride to all my early morning tests.”
Sa pagkakaintindi ko, umuwi na ng ‘Pinas sa araw ng Pasko si Tetay at dito nagse-celebrate ng Kapaskuhan.
Reyted K
By RK VillaCorta