TILA BINABAGO ng Siyete ang konsepto ng hero’s welcome.
We’re saying this dahil kahit talunan si Manny Pacquiao ay bibigyan nila ito ng hero’s welcome sa pagdating nito ngayong araw.
Ang sabi sa Facebook, meron ding isang malaking show para kay Manny, ang PACMAN FOREVER – Hero’s Welcome sa MOA kasama ang Kapuso stars. Ito na rin daw ang magsisilbing birthday celebration ni Manny.
Nakakatawa ang GMA dahil matapos nilang tsugihin ang show ni Manny sa kanila ay biglang bibigyan nila ito ng hero’s welcome. Ano ‘yon, consuelo de bobo?
Naku, ang isa pang tiyak na gagawin ng GMA ay pupurihin nila to the max si Manny kahit na luz valdez ang beauty nito sa laban niya kay Juan Manuel Marquez.
ISANG BAGONG Enchong Dee ang makikita ng publiko sa The Strangers, isa sa mga entries sa Metro Manila Film Festival.
“Sabi ko nga this is the first project that I did na umuuwi ako ng bahay na pagod na pagod, ‘yung tipong ang lagkit-lagkit ko, ‘yung tipong kalimutan mo na ang pagligo,” sabi ng binata.
Ang descriptions nga niya sa sarili while doing the movie ay “mabaho” at “hindi naliligo”.
Pero mukhang nakatulong naman kay Enchong ang grueling shooting ng suspense-horror dahil halos six pounds ang nawala sa kanya.
“Going to the set, as much as possible ay hindi ako naliligo para… kasi nga hindi mo makukuha ‘yung gano’ng look kapag hindi mo naramdaman physically lahat ng kailangang gawin,” sabi niya.
Sabi ni Enchong ay ready siya sa kahit na anong form ng competition lalo pa’t kasali ang movie nila sa Metro Manila Film Festival. Bata pa lang ay naharap na sa laban ang binata dahil isa siyang swimmer at marami na siyang sinalihang kumpetisyon.
“Ako I have to admit na kasi whether I like it or not, nasa isang kumpetisyon ako talaga, and nabuhay ako for the longest time na may competition sa buhay ko. Pero ano lang naman, it’s a healthy competition. I am very, very happy, happy na ‘yung kompetisyon na sasalihan ko sa Metro Manila Film Festival, quality-wise ay ang ganda. Nakita ko ang trailer ng El Presidente at nakakakilabot. To be in a very competent line-up of movie ay masaya na ako. Kaya naming makipagsabayan,” he said.
IT’S VERY rare na nagtataray si Kris Aquino sa social networking site.
Kris lost her cool nang sabihan siya sa Twitter ng isang follower na ginagamit niya si James Yap to beef up interest in her movie, ang Sisterakas. Kahit na may sakit at nasa hospital dahil sa kanyang allergy ay hindi pinalampas ni Kris ang chance na makapag-explain.
“Pasensya na, I’m still in the hospital so may papatulan ako. I read in my timeline I’m being accused of using my ex husband for publicity,” tweet niya.
“All I said was that no bitterness doesn’t necessarily mean a desire for closeness. I have my reasons, I felt nabastos ako in my own home last week. I’m not making a big issue but i was offended deeply & sorry di ko kaya to be plastic & pretend we r friends,” eksplika niya.
Sabi ni Kris, not true na good friends sila ni James gaya nang sinabi nito sa isang interview.
“Sorry ha, on steroids & heavy doses of antihistamines so my patience is short. I’ve matured considerably because I didn’t mention what we fought about. Wag na lang sana ako i-provoke because I’m trying to remain patient & quiet,” dagdag pa ni Kris.
She explained na hindi niya ginagamit si James para sa promo ng kanilang movie.
“U know in showbiz when someone has movie and there will be a sudden conflict people will think it’s pure PR. The truth is my patience is short because so tired & immunity was down. I was impulsive when I should’ve said no comment.”
Kris is not using James to beef up interest in her movie. Bakit pa when she’s a bigger name than the basketball player. Secondly, kaya lang naman umingay ang pangalan ni James ay dahil naging asawa niya ang popular TV host. He was a nobody then. He just became a somebody when Kris pulled him out of anonymity by getting into a relationship with him.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas