Napanood ko ‘yong morning show nina Karla Estrada, Melai Canteveros, at Jolina Magdangal kanina na siyang ipinalit ng Kapamilya Network sa “Kris TV”.
Nakami-miss tuloy si Tetay pagdating sa istilo niya ng pagiinterbyu at ang kabuunan ng kanyang morning palabas.
Si Angelica Panganiban ang guest nilang tatlo na sinahugan ni Pooh na besti ngayon ng “hugot” actress with two other gays na ewan kung sino. Ang mahalaga ay si Angelica na pakiwari ko’y prim and proper mga oras na ‘yun lalo pa’t ang isa sa isyu na pinag-usapan ay ang mga hugot lines niya sa gag show niya sa ABS-CBN.
Pansin ko, parang hirap ang tatlo na i-shift ang topic nila to another topic kapag nag-i-interview sila na walang transition. Arya na lang ng arya.
Iba talaga si Tetay as a celebrity host and interviewer. Minamani-mani lang talaga ni Kris ang pakikipag-tsikahan sa kanyang guest na maging ang bisita niya hindi namamalayan na maganda na ang flow usapan nila. Mas relax ang subject.
Puna ko nga kanina, parang hindi si Angelica ang nakaharap sa kamera. Parang hindi niya natural na tila napipilitan lang na marahil nagtataka at may self-baloon: “Anong ginagawa ko rito?”
Sa mga hugot lines ng aktres kanina sa morning show, alam mo na patungkol kay John Lloyd Cruz ang mga banat ni Angelica.
The fact na keri na niyang i-playtime at pagtawanan ang split-up nila ni Lloydie sa mga hugot lines niya (kahit walang detalyadong kuwento tungkol sa hiwalayan nila), naka-one step forward na (or more steps) na ang nagawa ng aktres tungkol sa love life niya.
At regarding sa tatlong hosts, halatang hirap si Jolina sa pagdadala ng show. Si Melai naman kasi, kukuda na lang na tuloy, ako ang nalilito (bigyan nga siya ng cue card at nakasulat doon ang sequencing ng topic na p’wede niyang ikuda lang), at si Karla, mas interesting siguro kung siya ang gawing “Palengke Queen” na mag-iikot sa mga palengke ng Metro Manila para magbigay ng baboy and gulay price update. Pero like ko na habang nag-i-interview siya ng tindera sa Kamuning Market or sa Balintawak, ang styling sa kanya ay naka-korona para consistent ang tawag sa kanya bilang “Queen Mother”, para may saysay naman na after the market update ay segue sa isang cooking segment with a celebrity guest ang eksena ng Queen Mother (cooking with korona pa rin, ‘no!)
What do you think Darla Sauler sa suggestion ko?
Reyted K
By RK VillaCorta