OLA CHIKKA! MATAGUMPAY na idinaos noong Miyerkules ang inagurasyon ni President Noynoy Aquino at Vice-President Jejomar Binay sa Quirino Grandstand. Mukhang nakisama ang panahon dahil kahit konting patak ng ulan ay wala rin.
Kahapon din ang pag-alis sa Malacañang at pagtatapos ng termino ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Ngunit teka may napansin ako, tanong ko lang… dahil ba sa talagang beauty conscious itong si Arroyo kaya ganu’n na lang kung maka-pose sa mga kamerang-gala na nandoon upang kunan ang pagkamay niya kay P-Noy? O sadyang hindi niya lang talagang feel na tingnan ang papalit sa kanyang posisyon. Taray!
No show din naman itong running-mate ni P-Noy na si Mar Roxas sa kanyang panunumpa maging sa street party na idinaos kahapon ng gabi sa Quezon City Memorial Circle. Buti pa ang buong pamilyang Binay, full force ang pamilya upang suportahan si Vice-Pres. Binay.
Speaking of suporta, kumpleto ang Aquino sisters at ang kasintahan ni P-Noy na si Councilor Shalani Soledad na napakaganda sa kanyang yellow gown.
Nandoon din ang controversial na si Kris Aquino with Josh and Baby James ngunit missing in action naman itong bayaw ni P-Noy na si James Yap.
Sa isang interview ay tinanong si James kung pupunta siya sa inagurasyon at ang kanyang sagot ay “Of course!”. O, asan siya? Hindi naman daw siya pinagbawalan ni Kris ngunit ayon sa aktres, mas maganda nang ganu’n dahil naging mabuting bayaw naman si P-Noy kay James kaya siguro ay nagparaya na lamang.
Teka! Bakit may ganu’ng eksena?! Eh, ‘di sinungaling si James? Of course! Ha-ha! Hindi kaya nagbasketball na lang?
At mukhang hindi rin na-ispatan ng kamera itong bff ni Tetay na si Boy Abunda. Marahil ‘andu’n siya kasama ng kanyang ina at kapatid na nanumpa rin sa Borongan City.
Ay, naku Kris! Wala man ang soon to be divorced husband at ang iyong bff, bongga ka pa rin dahil First Sister ka kaya!
MARAMING ARTISTA ANG dumalo sa inagurasyon at mga bigating pangalan sa industriya ng musika ang nandoon upang maghandog ng mga awitin kay P-Noy . Parang inagurasyon na nga ni Kris iyon dahil halos lahat ng inimbita ay malapit sa kanya. Ang bongga mo talaga, First Sister!
Napakagaling naman ng pagkanta ng Pambansang Awit ni Charice Pempengco, kung saan ay may naririnig na naman ako na binago na naman ang tono. Ano ‘yan sasampahan na naman ng kaso? Eh, kung kayo na lang kaya ang kumanta para maging perpekto, ‘di ba?!
Excuse me pow! Sa dinami-rami ba naman ng kumanta ng National Anthem sa mga laban ni Pacman, ‘di hamak na ‘yung kay Charice na ang simple at pinakamaganda, ah.
Kakaibang galing din ang ipinamalas ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Regine Velasquez, ngunit hindi ko feel ang gown ng Asia’s Song Bird dahil mukhang naka-duster lang siya. Pak!
PAGSAPIT NG HAPON hanggang gabi, ginanap naman ang victory party sa QCMC kung saan maraming artista ang dumalo at dinagsa rin ng libu-libong Pilipino. Naging masaya at generally speaking ay naging mapayapa naman.
Maraming bigating artista ang nag-perform, at maging si P-Noy ay nagpakita rin ng kakaibang performance sa pagkanta niya ng “Watch what happens” at “Estudyante Blues”.
Lahat ay nagbunyi ngunit ano kaya ang say ng long time no show na dating katunggali ni P-noy na si Manny Villar at kanyang endorser na si Willie Revillame matapos makitang nagsasaya ang kanyang mga co-host sa Wowowee. Ano nga naman ang care niya eh, babalik pa ba siya sa show? Ha-ha!
Mabuhay ang Pilipinas! ‘Yun na!
Para pa rin po sa mga guesting, shows, advertisement of products, services and everything, maaari po namin kayong matulungan diyan. Just call our OLA CHIKKA PRODUCTIONS’ office at 417-6181 or text 09274284216 para sa inyong mga katanungan.
At patuloy pa rin po akong subaybayang sa aking programa sa DZRH TV tuwing Linggo from 2:30-3:30 P.M. at DWSS 1494 kHz tuwing Sabado at Linggo 10:30-11:30 am. Thank you very much and God Bless us all!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding