VERY INTENSE na ang bawat episode ng Ina, Kapatid, Anak lalo na nu’ng nag-umpisa na rin nu’ng Monday ang Indio ni Sen. Bong Revilla.
Pero nu’ng Monday talaga, nakakalokah. Parang ang bayag namin, nasa lalamunan na. Eh, kasi naman, bawat eksena, mapapamura ka ng, “Tongue Ina, Kapatid, Anak”! Hahahaha!
Ang huhusay nina Janice de Belen, Ariel Rivera, Maja Salvador, Kim Chiu at ang may-ari ng timba-timbang luha na si Ms. Cherry Pie Picache.
Ang focus ng kuwento ay sa pagitan ng dalawang pamilya, kaya medyo “pahinga” muna that time ang mga kalabtim nina Maja at Kim na sina Enchong Dee at Xian Lim.
Saka ‘yung sampalan nina Maja at Kim, parang may pinagdadanan, eh. Parang me pinanggalingang isyung personal na nabitbit hanggang eksena, kaya very makatotohanan ang naganap na sampalan.
Hahahaha! ‘Yun na.
NAKAWIWINDANG ANG mga tweet ni Mareng Kris Aquino kahapon, dahil napikon siya. Si Daniel Matsunaga ang topic ay bakit bigla na lang siyang inakusahang mahilig sa bata at anong klaseng ina?
Nagpaalam pa nga si Kris ng, “Pwedeng makiusap? Don’t tease me to Daniel (Matsunaga). Kayo kasi, nagpadala sa tukso ni Vice Ganda, eh no truth. Nakaka-BV (bad vibes) kasi, di n’yo nabasa ang mga evil tweets sa akin saying ang landi ko at di na ‘ko natuto. And wag namang boy toy. Kalokah. Now you know why I’m annoyed.
Now I’ve explained why I don’t want to be teased when there’s no truth. Because if I let the teasing continue, it’s like I’m in agreement. “
LALONG NAGALIT si Kris nang kuwestiyunin na ang kanyang pagiging ina na alam naman ng lahat ng mga nagpa-follow sa kanya sa Instagram at sa Twitter na she makes it a point na lagi siyang may panahon sa kanyang anak kahit gaano ka-busy ang kanyang schedules.
“I needed to make a stand. I always hear sikat ka, deadma na. Pero I’m still a humban being. The application I’m using lets me see “listed” and I saw puro fan groups of ex ‘yung kung saan listed.
“Why mind me when my followers ignore you? And that’s also why I filed for annulment. The way would lambast and attack me, was what I received at home. So I fought back. Dahil HINDI okay mambastos kahit kelan. Especially pag di kayo kinakanti.
“Marami akong pinalampas but since annuled na kami, provoke me again and may documents asking me for more money na malalabas ko. In this instance, I’m not afraid because the truth is on my side. Poor Bimby though.
“But then again, you already insulted my son by calling the parent who loves and cares for him a bad mother.
“Fans of my ex are anonimously bombarding me with hate tweets. How sad of them they haven’t moved on. With the millions he got from me and my sons I wished they’d just let me have peace. Di ko kayo ginugulo. I more than “paid” for my peace already. Don’t dare me to name the amount because then everyone will know why I’m so afraid of being used again, because Josh & Bimb ang nabawasan ang savings for their future.
“Sometimes you have to make a STAND. I won’t be Kris if I didn’t know how to defend myself and my sons. The truth will always emerge.
Me nag-tweet kay Kris ng: “Ang sad na napunta sa taong nanakit sa yo ang pinagpaguran mo.” Na sinagot ni Kris ng, “True! Nagloko na nga while I was pregnant, kumita pa!”
Nag-react lang talaga nang todo si Kris nu’ng inookray siya ng ilang fans ni James kaya nakapagsabi siya ng, “Honestly, review my account since I started July 2012. Accuse me of anything but when I read na walang kwenta akong nanay–my God! War ‘yan!”
‘PAG NAG-OPEN ka talaga ng Twitter account, you put yourself to public scrutiny. Patatagan at patibayan dito ng dibdib. Kaya ang sabi namin kay Kris, deadmahin na niya ang mga “nega tweets.” After all, walang sinumang makapagsasabi o mang-husga sa kanya kung ano’ng klase siyang ina, kungdi ang kanyang mga anak.
Pero sabi nga ni Kris, tao lang siya, nasasaktan siya. At tinamaan lang siya sa pinakamahinang parte ng kanyang pagkatao – ang kuwestiyunin ang pagiging ina niya.
Na understandable naman kung idinedepensa lang niya ang kanyang sarili.
Hay, nako, Kris, sarado ang utak ng mga taong ayaw sa ‘yo.
After all, ba’t ba sila tinawag na “haters” o “bashers,” ‘di ba?
Love, love, love na lang, mare!
Oh My G!
by Ogie Diaz