HINDI nahiyang aminin ni Kris Aquino sa kanyang post sa social media na wala na silang masuot na dami nina Josh at Bimby habang nasa isang resort sila sa Puerto Galera.
“Nagkaubusan na ng damit. Kuya’s shorts & mine were bought in Pure Gold, Calapan.
“Nakapagpalaba kami nung mga binili & I chose the most wearable shirts na baon namin, humiram ako sa kanila, house brand ng @thesmstore BALENO favorite ko kahit pwedeng night shirt na for me. Maganda ang quality ng his from @puregold_ph & matibay talaga ang BALENO,” kuwento ng actress-TV host.
March 1 nang magpunta ng Boracay sina Kris kasama ang dalawang anak para magbakasyon. Bago ang Luzon lockdown ay ipinasundo sila ni Willie Revillame sa kanyang helicopter para ilipat sa ipinapagawang resort nito sa Puerto Galera.
Nahiya si Kris mag-stay nang matagal sa resort ni Willie kaya lumipat siya sa isa pang resort sa Puerto na ayaw niyang pangalanan.
“I’m 100% sure my boys & i have been away from home since March 1, it’s been 6 weeks of getting to know many kindhearted people. Malalagpasan at babangon tayo sa pagsubok na pinagdaraanan ng buong Pilipinas, #LABAN pa,” post ulit ni Kris.
Habang nasa Puerto ay hindi rin naiwasang bumagsal ang blood pressure ni Kris.
“Yesterday, I had a severe allergic reaction to food (I’m owning it, alam kong bawal but i thought konti lamang won’t be so bad) — bumagsak to 70/53 ang BP ko & expired na my EpiPen… couldn’t get a diphenhydramine shot because BP was too low… celestamine, a lot of water, and REST was our option.
“I had refrained from posting pics of where we’re staying but the owner & staff have been so KIND — they helped move some of my stuff to the beachfront room because the fresh sea air would help me recover faster.
“Sweets are supposed to help pag may allergens pa sa katawan, so they sent me fresh baked buco pie & Check has been making me turon saging w/ langka. (na super favorite ko). Ang ulam siguro, after 3 days na pag na tanggal na sa katawan ko yung food allergens that I consumed.
Thank you to nurse Mona na nagpuyat para magbantay kagabi (she’s from Mindoro, works in NCR; na lock in kaya para syang guardian angel sa ‘min ni bimb.) Thank you kay ate Loida & her extended family, Madame Lexie & everyone na stay-in sa resort for the warm hospitality, and most of all Randy & especially Check, who kept my ate updated & my sons well fed. Bedrest po dahil nanghihina pa. God bless everyone. Have a peaceful Sunday,” huling post ni Kris.