“HAPPY PLACE” para kay Kris Aquino ang bansang Japan at tuwing nagpupunta siya doon kasama ang dalawang anak – Josh at Bimby – ay nawawala ang kanyang stress. Ilang araw ng nasa Japan ang mag-iina at hindi pa alam kung kelan ang balik nila ng Pilipinas.
Halatang masaya rin si Kris sa paglilibot sa Japan kasama ang dalawang anak dahil panay ang post niya ng photos at videos sa kanyang Instagram account.
Mas nakakakain din daw siya nang maayos kapag nasa Japan siya bagay na kailangan niya talagang gawin dahil sa kanyang health condition ngayon.
Post pa ni Kris, “I am healthier when here in Tokyo because i eat better (kahit paulit ulit — friends na nga namin the Japanese staff in the restaurant & alam na nila what i’m likely to order) & they (bincai, jonathan & fonzi) all encourage me to walk to build up my stamina BUT extra ang pag ingat nila sa ‘kin kanina because madulas & super lamig nung ulan.”
Bukod sa dalawang anak, kasama rin ni Kris sa Japang ang yaya ni Josh na si Bincai at ang kaibigan at make-up artist niyang si RB Changco.
“My goal: spend more time with the people i love, in the place i love, while challenging ourselves to live with a bit more sense of adventure, starting with riding the SKYLINER from Narita, then transferring 2X, and ending up on the monorail.
“ Give me 4 more Tokyo trips and i’m going to be able to create Kris Tokyo Family Tours,” masayang post ni Kris.
La Boka
by Leo Bukas