BLIND ITEM: Sino ang guwapong young actor ang nai-book kelan lang ng isang gay TV personality? Sobrang nagipit yata ang lolo n’yo, kaya dyumakpat naman ang bading. Kinse mil lang, hada na nito ang young actor.
Hahaha! Hindi naman daw “lumaban” sa kama ang bagets. Hanggang Laila Dee (nakatihaya lang, that’s it).
Nako, siguradong maiinggit ang ibang bading, dahil kelan lang, biglang bumalik ang pagnanasa sa kanya ng mga bading nang mapanood ang kanyang pagbabalik sa isang teleserye.
O, tama na. Hanggang dito na lamang at hindi na kami masyadong magbibigay ng clue. Ang importante naman doon, nakatulong sa kanyang pangangailangan ang bading.
NAG-UUMAPAW SA twitter ang mga birthday greetings kay Kris Aquino bilang birthday niya kahapon, Feb. 14.
Heto nga’t lumabas naman ang isyu na ‘yung Twitter post niyang “kung saan siya minahal ng masa”, ‘yun ang babalikan niya ay naging mala-king isyu pala.
Hayan at “pinatulan” ng isang showbiz website na baka ibabalik na sa The Buzz at silang dalawa ni Boy Abunda ang muling babandera.
Well, kung totoo man ito, walang masama, dahil original The Buzz co-host naman ni Kuya Boy si Kris. At totoo, huh! Na du’n naman siya minahal talaga ng mga fans, ‘no!
At least, napagbigyan ni Kris ang sarili na magkaroon muli ng teleserye thru Kailangan Ko’y Ikaw kung saan an’dami ngayong naaawa sa kanyang kalagayan bilang siya’y may ovarian cancer.
Kaya ang tanong ng mga fans, “papatayin na ba ang character niyang si Roxanne?”
‘Yan ang Ating Alamin by Ka Gerry Geronimo.
FACT: ALAM n’yo bang almost 200 yata ang mga writing press sa showbiz? Sa mga presscon nu’ng araw, ang mga iniimbita lang ay mga writing press, pero ngayon, pati bloggers, invited na rin.
Kung kunwari ay 100 movie press ang invited, ngayon, 80 na lang at ‘yung 20 ay para sa bloggers.
That’s why we’re telling our friends na nagsusulat sa mga diyaryo na make their own blog na rin para kung ano ang uso, sabay na rin sila sa agos. (Hence, meron kaming www.ogiediaz.blogspot.com).
Hindi nga lang din blog at mga diyaryo ang puwedeng maging venue para sa mga paglalagyan ng isusulat. Maging ang mga showbiz website, paggawa ng sariling Twitter account at pati personal na facebook account, nilalagyan na rin ng mga “write-up”.
O, ‘di ba?
Kaya ang labanan ngayon, sipag at tiyaga. At higit sa lahat, tamang connections at mabuting pa-
kikipagkap-wa-tao. Ma-dali nang mabuko ang mga garapal.
Oh My G!
by Ogie Diaz