OLA CHIKKA! Huli man daw at magaling, naihahabol din. Happy New Year to all the readers of Pinoy Parazzi! Salamat sa lahat ng mga naaliw, nainis, naloka, nabaliw sa mga write-up ko last year. ‘Eto na naman ang umpisa at hamon para lalo kayong mabaliw sa unang column ko ngayong taong ito.
PSSST! Pulitika, showbiz, sports, scandal, tsika to the maximum authority of tsika na naman ang inyong Tita Swarding na walang sinisino, trabaho lang walang personalan. Kaya hala-bira! Umpisahan na natin ang tsika!
Masayang-masaya ang MMDA at mga Metro Manila mayor dahil ngayong taong ito sa MMFF, talagang kumita lahat ng pelikulang kalahok. Kahit na ang indie film na kalahok na naihabol, ang Thy Womb ng nag-iisang Superstar Nora Aunor, kumita rin nang malaki kahit ito ay kulelat sa top-gross.
Heto nga pala ang mga nanguna sa takilya na hanggang ngayon ay unofficial pa rin, na umaabot na sa P300 millon ang nangunguna: 1. Sisterakas; 2. One More Try; 3. Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako; 4. The Strangers; 5. Shake, Rattle & Roll 14; 6. Sossy Problems; 7. El Presidente; at 8. Thy Womb na inabot na rin sa mahigit na P45 millon sa almost one week na sa sinehan. Dahil ang ibang sinehan ay ibinalik pagkatapos ng awards night sa pakiusap na rin ng direktor na si Brillante Mendoza at mismong ni Nora Aunor na panoorin ang pelikula.
At ang pinakapinag-usapan, ang revealing na kasuotan ni Kris Aquino sa Gabi ng Parangal na ginaya niya ang kasuotan ng bagong Miss Universe na si Miss USA na luwa ang dibdib. Kaya lang, color green na kakulay ng Miss Venezuela. Red kasi ang kulay ng Miss USA.
Kaya lang, ang sabi ng ibang local designer at stylist, hindi raw bagay sa isang Kris Aquino ang kanyang kasuotan. Kasi, kapatid siya ng ating presidente at laylay na raw ang boobs. Hindi tulad ng Miss USA na talagang tayung-tayo pa.
Isa pang nirereklamo ay ang pelikulang One More Try na dapat daw hindi ito ang kumuha ng Best Picture at ng FPJ Memorial Awards, kasi ito ay walang originality dahil kopya lang sa isang Chinese film na may pamagat na In Love We Trust. Dapat daw, kung hindi El Presidente ay ang Thy Womb, kasi may originality ang pelikula. Ano raw kaya ang basehan ng pagpili ng Best Picture?
At isa pang nakakaloka, ang best actor award. Pero tanggap na raw ni ER Ejercito na natalo sa pangalawang pagkakataon ni Dingdong Dantes, kasi pagdating naman sa ibang award-giving bodies, siya naman ang pinararangalan. Ang hindi lang niya matanggap ay ang numero na mga sinehan na pinagpapalabasan ng El Presidente. Sabi niya, more than 50 theatres lang ang pinapalabasan ng El Presidente against doon sa mga nag-topgross na more than 130 theatres.
Kaya sa susunod na MMFF, parang ayaw na niyang gumawa ng pelikulang ilalahok sa MMFF. Gusto niyang maamyendahan na ang MMFF na maging Philippine Film Festival para ang mga sinehan sa Visayas at Mindanao or sa mga probinsya ay mapasama na sa raffle, para pantay-pantay ang dami ng mga sinehang paglalabasan ng kanilang pelikula. Kaya hindi niya alam kung gagawa pa siya ng pelikula at kung gagawa man siya, baka gawin daw niya ang biopic ng El Shaddai ni Bro. Mike Velarde. Wala ba kayong napupuna, lahat may El? Kasi ma-El daw ang mga Estrada.
At kung ako ang tatanungin, karamihan kasi ng mga tumatangkilik sa MMFF, mga bata. Hindi pumasa sa panlasa ng mga bata ang kanyang pelikula kaya aminin na natin na ang matitinong pelikula sa MMFF ay laging kulelat sa takilya. Kaya ‘wag na kayong umangal. Naniniwala rin ako na nahahaluan din ito ng pulitika.
ISA PA ring magtataasan ang kilay, ang mga Vilmanian na kahit Star For All Seasons pa si Gov. Vilma Santos-Recto, EXTRA na lang sa susunod na pelikula niyang gagawin.
Nakarating kasi sa akin, siyempre Vilmanian na ako, na si Ate Vi ay finally gagawa na ng indie film, at magsi-shooting na ito ngayong January 2013. Ang title ng movie ay EXTRA, mula sa direction ni Jeffrey Jeturian.
Gagampanan ni Vilma ang isang movie EXTRA at Loida ang name niya sa pelikula. Kung matutuloy ito, tiyak na hindi na naman maiiwasang ikumpara ang kinita ng Thy Womb ni Superstar Nora Aunor.
Ano kaya ang masasabi na padding lang daw ang kinita ng Thy Womb na umabot na raw sa P45 million, na ang totoo raw ay P4.5 millon sa isang linggong pagpapalabas, kahit ibinalik sa mga sinehan ang Thy Womb right after the awards night na si Nora ang naging Best Actress?
Kung ako ang tatanungin, talagang si Nora ang Best Actress, kasi walang kalabang Vilma Santos. Say mo?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding