AYAW ISIPIN NG marami ang kababawan na dahilan just because ipinatanggal umano ni Kris Aquino sa senatorial slate ng kanyang Kuya Noynoy si Cory Quirino on the ground na kapalayaw ito ng kanyang nasirang ina.
Hindi malinaw ang dahilan ni Kris why she had Ms Quirino’s name stricken out of the line-up, but one thing’s obviously clear, ikinagalit ito ng wellness guru.
In the first place, what does Kris have against Cory? Magkakilala ba sila nang personal? Did their career paths cross at one point?
Pero kung totoong si Kris ang “unseen hand” sa pagkakapili ng kukumpleto sa hanay ng mga senatorial candidates ng tambalang Aquino-Roxas, isa na naman itong lantarang pangingialam ni Kris sa political career ng kanyang kuya.
Sana’y dumistansiya na lang ang TV host-actress sa departamentong hindi naman niya nasasakupan. Okay lang ang good grooming at manner of dressing ni Noynoy, ‘yun na lang ang kanyang panghimasukan since Kris is a fashion icon in her own right.
MUCH HAS BEEN said and written about the biggest flop china movie of all time, ang Wapakman ni Manny Pacquiao that grossed a dismal less-than-three million mark na kulang pang pambayad ng mga artista nito.
Solar Entertainment, being the producer, does not literally have to let the sun’s rays shine dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi tanggap ng publiko si Pacman maliban sa kanyang pagiging atleta of global magnitude. Kahit noon pa namang boxer roles ang ginagampanan ni Manny ay hindi kinagat sa takilya, how much more ang isang karakter which is not close to home?
Aral ito kay Manny, don’t push your luck luck too far. Iba ang mundo ng palakasan, iba ang daigdig ng pelikula. Politics is another world.
Aktor na matagal nang natsi-tsismis na bading, maglaladlad na?!
AFTER BB GANDANGHARI, guess who’s going to come out next? Matagal nang natsi-tsismis na kabilang sa ikatlong kasarian ang aktor na ito, blame it on his reported sexual conquests maging ang mga palihim niyang pakikipag-relasyon with those with similar preferences.
Pero ang ipinagkakapuri sa aktor na ito, he practices homosexual life with fashionable discretion. Hindi naman kasi siya ‘yung tipo ng baklang pakalat-kalat, rolling down his proverbial cape habang iwinawagayway ang kanyang inilugay na buhok that touches the ground.
Pero bago po natin marinig ang kanyang true confession, sorry, mga ateng, it won’t happen until one of his dearest relatives will have become extinct… as in matigok!
Hindi namin sasabihin kung tatay o nanay, tiyuhin o tiyahin, kuya o ate niya ang hinihintay niyang matsugi bago ang ipinapangako na niyang paglaladlad ng kanyang kapa.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III
Aktor na matagal nang natsi-tsismis
na bading, maglaladlad na?!