MAY ISTORYA pala behind the movie Sisterakas ng Star Cinema (entry for the Metro Manila Film Festival) na dinirek ni Wenn Deramas kung bakit nasa gitna ang pangalan ni Kris Aquino kina Ai-Ai delas Alas at Vice-Ganda.
“As far as comedy is concern, angat naman silang dalawa sa akin. Vice hold the box-office record under now for the highest gross Pilipino record for all time. Hindi na natin mabilang kung ilang Metro Manila Film Festival nag-top grosser si Ai, tama lang naman ‘yan. Okay lang dahil ang feeling ko ako ang bunso nila,” paliwanag ni Kristeta.
Sinabi nina Kris, Ai-Ai at Vice na hindi sila umaasa sa award sa MMF. Ang impotante sa kanila, maging number one sila sa box-office. “Kay Ate Guy na lang po, hindi naman pang-aktingan ‘yun sa akin. Siyempre, gagalingan ko pa ring umarte. Kung sa kanya ibibigay, okay lang po,” say ni Ai-Ai.
Inamin ni Kris na producer rin sila ng Sisterakas. “Maybe you don’t know the fact that 25 percent of the film of the pondo comes from the three of us. Its 50% come from Star Cinema at 25 percent Viva, at ‘yung 25 percent sa aming tatlo. So, napakamahalaga talaga sa aming tatlo na kumita ito, please God.”
Sambit naman ni Ai-Ai, “Uso po ‘yun sa Hollywood, ‘di ba? Kaya nakikiuso rin kami. Feeling namin kami sina Brad Pitt, George Clooney, Angelina Jolie.”
How is Kris as a comedy sa movie ni Direk Wenn Deramas? “Base sa mga nakapanood na ng trailer, naloloka sila kay Kris. Ang tanong sa akin, papaano mo napapayag si Kris gawin ‘yan? Pagdating ko sa set, ready siya. Nag-usap kami bago mag-shooting kung ano ang gusto ko. Sinabi ko ‘yung mga pegs tapos pagdating, kusa. Alam natin galing siya sa Pido Dida, alam nating lahat mayroon siya pagdating sa comedy. Maloloka kayo dito sa mapapanood ninyo dahil talagang nagpapabalahura. Pumayag talaga si Kris, kahit ano ginawa niya sa pelikulang ito,” simpleng sagot ni Direk Wenn.
Sa movie, parang ginawang katatawanan ni Kris ang kanyang mga horror films. Ipinaliwanag naman ng Queen of All Media. “You have to see the opening kasi, maraming nangyari before I said that line. Sinabi ko naman, bakit ko lalaitin ‘yung mga movies na ‘pag cumulatively, more than P700 million naman ang kinita.”
Buong pagmamalaking pinuri-puri ni Vice kung gaano kagaling si Kris sa comedy. “Kasi, may mga eksena ako at si Ai na mag-a-ad liban parang hindi mabibigla ang mga tao. Pero kapag nag-a-ad lib si Kris, nabibigla ako. Kasi, may bonggang timing siya sa comedy o baka hindi niya alam na nakakatawa siya sa mga ginagawa niya. Mas marami pa siyang ad lib, sisimulan ko ‘yung ad lib tapos dire-diretso na siya. Sabi ko, bongga! Kasi, hindi ko siya kilala na ganu’n lalo na kapag comedy ang pag-uusapan.”
Hindi kaila sa atin na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Vice at Ai-Ai. Sinagot ng Comedy Queen ang issue tungkol sa kanilang dalawa. “Hindi sa kaplastikan, okay naman kami ngayon. Sabi nga ni Frinedship (Kris) ,madalas kaming nag-uusap. Kasi, ‘yung mga kakilala niya, kakilala ko rin at saka ni Babes (dyowa ni Ai-Ai) kaya madalas kaming nagtsi-tsikahan. Ayaw kong sabihin na mabait ako pero nakikisama. Tama na ‘yan, para sa movie, para lahat positive.”
Kahit nagkagalit at nagkabati na ngayon sina Ai-Ai at Vice, masasabi kaya ng magaling na comedienne na kahit papaano may nabuo nang friendship sa kanilang dalawa ni Vice? “Oo. Alam mo kung bakit? Barkada ko ‘yung kapatid niya, noong high school, barkada kaming talaga. Nakarating na ako sa bahay nila, nakita ko ang Nanay niya, nakita ko ang Tatay niya. So, parang ‘yun ang iniisip ko ngayon, para ma-lab ko siya,” pahayag ng Comedy Queen.
Ikinuwento ni Vice kung papaano na-break ang ice sa kanila ni Ai-Ai. “Parang magic, parang walang na-break na ice, parang wala talaga. Sa Showtime, binigla kami, hindi kami sinabihan. Hindi ako sinabihan na magtatagpo kami ni Ai. Nu’ng una, na- off ako, hindi ako nakapag-prepare. Paano kung awkward ‘yung moment. Tapos nu’ng nagkita kami sa backstage, biglaan, nagtsikahan kami agad. Parang wala kaming pinagdaanan, okay na okay agad.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield