GUMAWA ng two-part video si Kris Aquino bilang reaksyon sa sunod-sunod na pambabash sa kanya at sa dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby. Hindi na raw kinakaya ng kanyang mga anak ang pambabalahura sa kanila ng ilan netizens.
Ani Kris sa video na nakapost din sa IG, “Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para huwag na ‘tong humaba. But shutting up ‘cause me even more stressed. In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko.
“Inisip siguro mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla ang bunso, titiklop na ang nanay. Now, I am ready to name names.”
Patuloy ng actress/TV host, “Kuya Josh happens to very happy in Tarlac. He is not there para mag-establish ako ng presence in the same province where my brother and my father started their public service journeys. Pero kahit walang pangalan, walang picture, walang detalye, naglabas ng video sa YouTube na merong nabuntis si Kuya Josh.
“Now, my bunso, si Bimb. Bulliying a 13-year-old dahil sa tingin nila na bakla siya. Utang na loob naman, this is 2021. We are living in 2021. Bimb is tall, he is good-looking, he is well-educated, he is intelligent. First honor siya, ‘di ba? He is articulate respectful. Hindi siya palamura. And he happens to be very mature. 13 years old lang siya. Nakakahiya mang aminin, pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan ang mga problema ko at para mapaligaya niya ako.”
Nagdesisyon din daw siyang magsalita dahil sa mga pagpapalabas ng kasinungalingan tungkol sa kanyang pamilya.
“After my time thinking, luminaw. I was being tested. Na-pinpoint kasi what was my vulnerability. It’s simple. It’s how much I love my sons. Alam kasi ng lahat, ako lang ang meron sila. I am exhausted from reading comments na ignore them or choose your battles.
“Please, I ask you, I know you mean well, but please do not decide for me because they are not your sons. Ako ang nanay nila. So I made my choice for my sons in order for me to defend them, I know I am willing to go to war because hindi nila fault na they cannot count on their fathers. Hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido Aquino. Hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely rewritten,” lahad ni Kris.
Pumalag din si Kris na kahit ang matagal nang isyu tungkol sa pagkakaroon niya noon g sexually transmitted disease (STD) ay ibinabalik ngayon.
“Nagbanggit lang ako ng yellow brick road in an artcard, default mode na ang line of attack. ‘Yung STD lumabas na. Akala ko pa naman nag-iisip. May I explain? Bala ‘yan na laban sa akin. Pwede ‘yan paputukin kung tinago ko. You can use it against me if it was a skeleton I hid in my closet. But that happened 18 years ago. Ako mismo ang nag-tell all. I did that live on TV Patrol in my mother’s house. That is an iconic interview. Alam kong iconic dahil noong panahong na iyon, halos buong Pilipinas tumigil at nakinig at nanood sa akin,” paliwanag niya.
“So how can you use something that I revealed about myself against me? ‘Yun ang advantage kasi eh of having lived an open book life. Wala kang kinakatakutan na pwede pang maibulgar kasi lahat ng sinabi nilang kahinaan mo o mga kasalanan mo, alam na ng lahat.
“The lesson here is, when you tell the truth, regardless of how painful it may be or how humiliating it can be, at least you are assured na hindi ka matatakot sa bukas. You will never fear tomorrow ‘cause you faced up to it when it was happening,” dagdag niyang pahayag.
Iginiit din ni Kris na, “I have no party affiliation. Pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong-gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila na pinapatay nila ang Dad ko. That is not President Duterte because alam ko, never ko siyang binanatan. So para po sa mga DDS, wala tayong reason na maging magkaaway.”
Sa last part ng kanyang tell-all video ay sinabi ni Kris na handa na siyang lumaban.
“Tama na, sobra na, lalaban na!” deklara pa niya.