OUSTER O PAGSIBAK bilang host ng Wowowee ang panaghoy ng ilang sektor kay Willie Revillame bunsod ng pambabastos nito sa alaala ni dating Pangulong Cory Aquino.
Nagpaliwanag na si Willie tungkol sa kanyang inasal, but the damage has been done. Kahit ang pinakamahusay na eksperto sa “damage control” ay mahihirapang isalba ang kahihiyang ginawa ng host.
Maaaring malusutan ni Willie ang mga patung-patong niyang kaso: mula sa Ultra stampede, pagmimisdeklara ng binayarang buwis sa kanyang imported car, umano’y pandaraya noon sa kanyang programa, pero hindi ang pinakamataas na kawalan ng galang sa yumao na iniluklok pa mandin bilang sagisag ng demokrasya.
Nitong Biyernes, no-show si Willie sa Wowowee, at gusto kong isipin na gumagawa na ng tamang hakbang ang ABS-CBN ayon na rin sa nais mangyari ng MTRCB, PANA at sampu ng ating mga kababayan. Samantala, nang hingan daw ng reaksiyon si Kris Aquino ukol dito, matipid ang kanyang tugon: “He already said sorry, so end of story.”
Kung kilala ng publiko ang bunsong anak ni Tita Cory, her statement was very un-Kris. Hindi ‘yon ang tipikal na Kris Aquino na kilalang isinasabibig ang kanyang saloobin, regardless if she may hurt other people in the process.
And that being unusual, mas nakakabahala ang maikling pangungusap na ‘yon ni Kris. Ngunit para sa akin, hindi masyadong mahalaga kung ano ang buwelta ni Kris kay Willie. Mas maghihintay ang bayan sa hatol ng ABS-CBN sa bastos na TV host.
NASA CEBU KASAMA ang kanyang maybahay na si Donna Villa nang makarating kay Direk Carlo J. Caparas ang balitang tinanghal siyang National Artist for Visual Arts and Film ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Sa tulad ni Direk Carlo na hindi inaasahan ang naturamg pagawad, walang mapagsidlan ang kanyang galak.
Ngunit habang nag-uumapaw ang kanyang tuwa ay siya namang ipinagngingitngit ng ilang sektor na tahasang bumabatikos sa kanyang kawalan ng karapatan bilang recipient. Simple lang ang argumento ni Direk Carlo, hindi niya hiningi ang parangal, at lalong hindi n’ya ‘yon iginapang sa Malacanang.
Habang idinedepensa ang sarili, lutang pa rin ang pagiging cool ng komiks novelist-turned-director, but not the woman behind all his success: si Tita Donna. “Ipinagtatanggol ko lang naman ang asawa ko, kasi hindi siya masalita, eh. Ang akin lang, nu’ng sila ang pinarangalan, pumalakpak kami. Why was it when it was already our turn, ganyan sila?”
Sa rally ngang nabuo sa labas ng gusali ng NCCA sa Intramuros prior to the presscon nitong Biyernes, the placard-bearing supporters hailed Direk Carlo. Over at the CCP, nagbuklod naman ang ilang miyembro ng Concerned Artists of the Philippines na nagkondenoasa proseso ng pagpili ng mga National Artists. In fairness, hindi nila kinuwestiyon ang mga kuwalipikasyon ng “recipient” din ng pang-ookray. In gay lingo, they call it “award”!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III