Hindi na hinintay ni Kris Aquino ang magiging resulta sa box-office ng walong pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival, dahil tanggap na niyang hindi makasasama sa box-office result ang kanyang movie entry na “All You Need Is Pag-ibig”.
We heard na nagpunta sa Hawaii si Kris kasama ang dalawang anak noong Pasko. Tila ayaw na niyang malaman pa na hindi kasama sa top 3 ang movie niyang kasali sa MMFF.
Kung hindi magbabago ang dagsa ng mga tao para manood ng mga pelikulang kasama sa MMFF at hindi rin magkakaroon ng epekto ang mga nangungunang pelikula oras na ideklara ang tatanghaling Best Picture at Best Director sa Gabi ng Parangal na ginanap nga kagabi, siguradong ang “My Bebe Love” at “Beauty and The Bestie” ang naglalaban pa rin sa box-office sa 8 pelikula sa MMFF.
Kung pagbabasehan kasi ang resulta ng kinita ng mga pelikula noong first at second day ng showing, nanguna ang “My Bebe Love” at pangalawa ang “Beauty and The Beastie”.
At tulad nang inaasahan, naglalaban sa hulihan ang Honor Thy Father at Nilalang.
Pero sigurado kaming pagkatapos ng Gabi ng Parangal ng MMFF, magbabago ang resulta sa takilya at posibleng ang number 3 at 4 na entry movie ay mahila pababa.
Base na rin sa mga nakapanood ng movie nina John Lloyd Cruz na Honor Thy Father at Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado, mahigpit na maglalaban sa Best Actor sina John Lloyd at Jericho.
Maging sa Best Picture din ay mahigpit ang laban ng pelikula nina John Lloyd at Jericho.
Anyway, sinuman kina Lloydie at Jericho Rosales ang manalong Best Actor ay karapat-dapat. Nakagugulat lang kung iba ang tatanghaling Best Actor sa Gabi ng Parangal ng MMFF.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo