NAG-POST si Kris Aquino ng litrato ng pagdalawa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa kanyang bahay at maraming supporters ang kinilig.
Hindi na humpak ang mukha ni Kris sa kanyang Instagram photos dahil nagkalaman na ito. Ang last post ni Kris na magkasama sila ni Mayor Bistek ay noon pang nanood sila ng sineng I Love You Hater sa isang mall sa Quezon City.
Sa post ni Kris, kaagad naman niyang ipinaliwanag ang dahilan kun g bakit muli silang magkasama ni Herbert.
“Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat — nandito sya ngayon…
“Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts — renewals plus 3 new ones. They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts.
“He wants me to regain my health & he supports my priorities. Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko — di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?
“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong makarelasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin?
“I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. I’ve survived a lor recently & you deserve our TRUTH.”
Nananatili pa ring naka-disable ang comment box ni Kris hanggang ngayon kaya sorry na lang sa gustong magbigay ng kanilang komento.
La Boka
by Leo Bukas