MONDAY IS Musical Monday sabi ni Kris Aquino para sa kanyang Kris TV noong nakaraang Lunes.
Live na nag-perform ang mga inimbitahan niyang singers sa haybols niya kung saan co-host niya si Carmina Villaroel na “ninang” ang tawag nito kay Tetay.
Opening song pa lang ni Nyoy Violante, agad may mensahe na gustong itawid ang kanya.
Sa Instagram account ni Kris, inimbithan niya ang followers na manood. Kumbaga, ang episode niya noong Lunes ay awitin ng kanyang buhay. Sa English, songs of her life.
Pakingan mo, alam mo na may pinapatukuyan siya. Alam ko siya at si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mensahe na gusto niya iparating na no other words, ikaw nga, ang mga awitin nina Nyoy, Thor, Rada at Sabrina ang siyang nagpatawid sa kung ano man ang kanyang nararamdaman para sa kinauukulan.
Hataw ng emote si Tetay sa mga awiting “Don’t Want To Be Your Friend” na ang ibig sabihin kaya, gusto niyang maging lover sila ni Mayor Herbert (or vise versa)?
Mga emoterang song like “God Gave Me You” na kahit hindi magsalita si Tetay, alam mo na para sa kanila ni Mayor Bistek ang bagong playlist ng buhay ng TV host.
Ano pa nga ba ang magiging reaksyon mo kung sa panahon ngayon na ang sabi “split” na sila at nag-back-out na si Mayor sa panliligaw niya kay Kris (as of last week ‘yan), ang kantang “Somewhere Down The Road” na current favourite ni Tetay, iisa lang ang iisipin ng mga nakapanood last Monday kundi “sila” pa ring dalawa.
Ewan ko kung sinadya (or para pa-cute) or nadulas lang sa kuwento niya, alam ni Kris na hindi mapapanood ni Mayor Herbert ang naturang episode dahil nasa flag ceremony ito (na ginagawa sa Quezon City Hall grounds every Monday) na in between her live spiels ay patingin-tingin si Tetay sa kanyang mobile phone.
Sige na nga, sakyan ko na lang ang lovelife ni Tetay at Mayor Bistek. Tulad, aliw naman at pampalipas-oras.
Reyted K
By RK VillaCorta