OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo.
Nabuwang na naman sa Earth ang social netwroking sites gaya ng Facebook at Twitter dahil sa Anti-Cyber Crime Law. Kasi nga naman, this time, hindi ka p’wedeng mag-pots ng negative kasi makukulong ka sa Libel sa loob ng 12 years. Tama, sobra nga ang higpit ngayon. P’wede kang kasuhan ‘pag may tinira kang personalidad, kaibigan, artista, pulitiko at maging opisyal ng government.
Marami nga ang tumututol dito dahil pagyurak daw ito sa ating kalayaan sa pamamahayag o press freedom. Kaya nga isang umaga, naloka ako. Kasi karamihan ng friends ko sa FB, naka-black ang profile at gumaya na rin ako. Pero inalis ko rin. Baka ako pag-initan. Kasi simpatiya raw ito sa mga Facebook user na laban sa pagsasabatas ng anti-cyber crime law sa Pilipinas. Take note, sa Pilipinas, ha? Paano ang mga kababayan natin na nasa ibang bansa?
Isa nga sa tumutuligsa rito ang kaibigan kong lady dragon na si Marlene Aguilar. Talagang handa siyang makipagpatayan sa galit, dahil ito raw ay talagang mali. Take note, handa siyang mamatay sa labanang ito, kaya wala siyang takot na magsalita at hikayatin ang kanyang mga friend sa fb. Isa na ako sa nakiisa sa kanya na tuligsain ang nagpanukala nito, kasama na ang mga senador na pumabor dito na sana raw kung kumakandidato ito ngayon sa nalalapit na halalan, ‘wag nang pagkatiwalaan, kahit na ang gobiyerno ni P-Noy.
Kaya nga nanawagan siya kay Pres. Noynoy at sa lahat ng mga senador na sumang-ayon para maisabatas ito, at itigil ang naturang batas, kasi ayon sa kanya ay sobrang pagyurak na ito sa karapatang pangtao. Parang martial law sa social network.
Hanga talaga ako kay Marlene, talagang inaalay na ang kanyang buhay alang-alang sa ating mga kababayan na talagang aping-api na. Sana maayos na ang lahat.
Pero ‘pag may tumututol, mayroon ding pumapabor tulad ni Sharon Cuneta, na sabi niya kung disente ang isang tao, walang dapat ikatakot. Kaloka, ‘di ba? Kasi isa siya sa pinuputakti sa facebook at twitter dahil sa pagpatol niya sa mga fans sa mga pinaggagawa niya na hanggang ngayon hindi siya maka-move on sa paghihiwalay ni KC Concepcion at Piolo Pascual.
Tanong, ‘yan ba ang disente? Kung disente siya, dapat hindi na niya pinatulan ang mga ‘yan kasi hindi naman niya ka-level ang mga tumutuligsa sa kanya. Dapat depende sa sitwasyon, ‘wag nang gamitin ang disente. Isa itong national issue na dapat pag-tuunan ng pansin, kasi nakakahiya tayo sa buong mundo. Ipinapakita dito sa batas na ito na ang Pilipinas ay talangang walang mga disiplina. Kasi tayo lang sa lahat ng bansa ang may ganitong batas. ‘Di ba nakakaloka naman talaga? Showbiz na showbiz ang dating.
Sabi nga ng karamihan, unang tatamaan ng batas na ito ang ka-patid ni P-Noy na si Kris Aquino dahil sa kanyang kataklesahan. Hay, naku! Mabubuwang na talaga ako sa Earth. Tama na, sobra na, itigil na nga ‘yan!
ISA PANG nakakaloka sa Earth ang pag-urong ni Kuya Germs Moreno sa pagtakbo bilang mayor ng Quezon City. Kung natatandaan n’yo, naisulat ko rito at na-quote ko pa si Chito Alcid, kasi siya ang may sabi sa akin na talagang tatakbo si Kuya Germs na mayor ng Q.C.
Nu’ng Oct. 5, umaga, nag-usap kami ni Chito, kung magpa-file ng COC si Kuya Germs, sabi niya, sad to say hindi kasi ayaw raw ni Kuya Germs ng intriga. Sabi ko nga, good decision, kasi marami naman ang nagagawa ni Kuya Germs sa showbiz, at malaking kawalan siya sa showbiz ‘pag pinagtuunan niya ang pulitika. Kaya ayun, tuloy ang ligaya sa Walang Tulugan ng Master Showman.
Happy birthday nga pala, Kuya Germs! More blessings to come.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding