Sa burol ng film producer na si Tita Donna Villa sa Cosmopolitan Memorial Chapel, naging topic ng usapan si Kris Aquino na isa sa maituturing na “baby” nina Tita Donna at Direk Carlo J. Caparas dahil sa kanila nag-umpisa ang isang Kris Aquino para maging isang movie star, from “The Vizconde Massacre” to “The Myrna Diones Story”.
Pansin ng marami na nandoon sa last night ng burol before the cremation, kung saan iniuwi sa Cebu ang ashes ni Tita Donna, wala man lang anino ng isang Kris Aquino na dumating.
“Not even ‘yong bulaklak na ipadala,” sabi ng nakapansin.
Same thing sa nangyari nang mamatay ang ina ng sinasabing bestie ni Kris na si Ai Ai delas Alas. Kahit nasa abroad si Kris, wala man lang itong inutusan sa dami ng staff niya na makisuyo para um-order ng wreath para sa namatayang kaibigan.
“Not even a text of condolence kay Miss Ai Ai nu’n,” sabi ng isa.
Sa ating mga Pinoy, sa panahon na may mga namatayan, very sentitive tayo sa magiging reaction ng mga tao na inaasahan pa man din nating makikiramay.
Sa kaso nina Kris at Ai Ai, naging “nega” ang imahe ni Tetay sa pangyayaring ‘yun.
Sa kaso ni Tita Donna na mahal na mahal ng showbiz industry at itinuturing na “Tunay na Darling of the Press”, marami lang ang nagtataka. Marami ang nagtatanong. Marami ang umaasa na mali sana, na ang inaakalang magandang pagpapakita ni Tetay sa kapwa niya ay kabaliktaran lang pala.
Reyted K
By RK VillaCorta