NASA EVENT kami ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Manila Hotel last Wednesdasy morning sa imbitasyon ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta para saksihan ang pagbibigay-recognition sa tatlong showbiz writers na mga kaibigan namin.
Awardees sina Fernan de Guzman at Melba Llanera, both former PMPC Presidents (at mga columnist dito sa Pinoy Parazzi) at Roldan Castro, incumbent PMPC Prexy kasama ang ilang mga personalidad na nakatulong sa krusada ng PAO na magbigay-ayuda sa mga kababayan natin na nangangailangan ng suporta pagdating sa legal matters.
Nandu’n din bilang awardee ang kaibigang Arlyn dela Cruz na NET 25 News & Current Affairs head ngayon( me and Arlyn have gone a long way noong DZBB radio reporter pa lang siyas in the early 80’s). At si John Consulta ng GMA 7 News.
Awardee rin si Jessica Soho at ilang radio news commentators na nag-skip sa amin ang mga pangalan.
Sa mesa namin,kabilang ang limang news personalities na hindi na namin babangitin ang mga pangalan. “Huwag na lang, tsismisan na lang ito,” pauna ng isang sikat na male TV Reporter.
Pinag-usapan namin ang nakakatawang ugali ni P-Noy na sa speech niya kamakailan sa pagbisita niya sa New Zealand, hindi pa rin naka-move-on ang lolo mo at walang humpay pa rin ang pagbakbak niya kay dating PGMA.
Napag-usapan namin si P-Noy dahil guest of honor ang pamangkinniyang si Bam Aquino who really looks like his Dad Ninoy habang si P-Noy naman looks like his Mom Cory kung papatungan mo ng wig “pambabae” ang ating mahal na president.
Tuloy sabi ng isang broadsheet writer: “It’s very ungentleman. Para na siyang sirang plaka na pauli-ulit na sinisiraan sa buong mundo si Gloria. Wala na ba siya alam kung ano ang dapat niya sabihin sa speech niya?”
Kami rin, komento namin, ang isang lalaki minsan lang magsasalita. May sentimiyento man siya, isang bagsakan lang at hindi paulit-ulit na ikukuwento.
Tuloy, punchline ng isang female TV News personality na katabi namin: “Baka type niyang pumalit sa career ng sisteraka niyang si Kris Aquino.”
SIYA KASI… si Kris Aquino, she can get away with it. What I mean ay ang pagsuway ni Tetay sa house rules ng Kapamilya Network na sa promo ng pelikulang A Secret Affair ay huwag banggitin o ipakita si Derek Ramsay.
Work or friendship? Ano ang pipiliin mo?
Mas pinili ni Kris ang friendship niya with Anne Curtis na isa sa mga bida ng pelikula na recently sa pang-umagang show ni Kris sa ABS-CBN, binanggit niya ang name ni Derek bilang isa sa mga bida sa pelikula ng kaibigan niyang si Anne kasama si Andi Eignemann.
Can Kris make lusot sa isyu na ito? Mapapagalitan kaya siya ng mga Kapamilya Network big bosses? Mapaparusahan kaya siya tulad sa ilan na nag-break na ng house rules?
Malamang makakatangap siya ng memo but I’m sure, lulusot at lulusot si Kris sa memo ng Kapamilya Network.
Kahit stubborn, si Kris, si Kris Aquino kasi siya. Kapamilya won’t take the risk na mag-tantrums si Tetay at bigla na lang isipin na lumayas sa show niya o sa network na kumakalinga sa kanya.
OFF TO Korea ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ang kani-kanilang mga pamilya come the long weekend next week.
This is to prove lang sa mga tsismis at intriga na they are still “on” at walang problema sa kanilang pagsasama.
Sa Korea, aside from shopping, plan ng buong pamilya na bisitahin ang visionary na si Julia Kim of Naju to ask for blessings para patibayin ang pagsasama nila. Enjoy!
Reyted K
By RK VillaCorta