SABIHIN NA NATING very marginal ang kanilang agwat, malaking sampal sa presidentiable candidate na si Senator Noynoy Aquino ang results ng mock elections sa Ateneo de Manila in favor of his opponent Gibo Teodoro, considering na alma mater niya ito.
At alma mater din ng kanyang kapatid na si Kris! Nakaungos si Gibo, na isang Green Archer (La Sallista), sa dapat sana’y bailiwick ni Noynoy. This side of showbiz, ayaw naming isipin that Kris has a lot to do with her brother’s dwindling survey ratings.
Gusto kong patulan ang sentimyento ng ilang press people na bumisita sa The Buzz kamakailan. No pansin daw sila kay Kris. Truth to tell, hindi na bago ang pinaiiral na selective amnesia ni Kris sa mga reporter na hindi niya feel batiin, as I have been a victim myself!
In fairness to Kris, she’s just being consistent, with or without Noynoy’s desperate attempt to be the next president. People who don’t matter to her, para sa kanya are non-existent.
BLIND ITEM. MINSAN NANG DINISCOURAGE ng ilang kaibigang press people ang aktor na ito, anak ng isang sikat na aktor-pulitiko, from pursuing a mestiza actress na produkto ng isang artista search.
“Hindi kayo bagay, ang tangkad-tangkad sa ‘yo nu’ng type mo,” pangangantiyaw ng isang close reporter-friend sa young actor. Buwelta naman ng ‘di kataasang aktor, “Eh, ano? Malaki naman ang kargada ko!”
Kunsabagay, ‘yung Ipinagmamalaking penile size ng aktor is a biological fact that can be traced to his grandfather-actor na sandamakmak ang mga anak sa iba’t ibang babae. Minana rin ito ng kanyang ama, na ang “sandata” ay minsang hinahabul-habol ng mga magkakaibigang aktres.
HANGGA’T MAAARI AY ayaw makisawsaw ni Aiko Melendez sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Ara Mina just because the latter has taken the political boat ride na lilisanin naman ng una.
Hindi pa rin kasi maiaalis na iugnay sina Aiko at Ara sa isa’t isa who were both common in Jomari Yllana’s lovelife, lalo’t sa landas din naman pala ng pulitika sila magkakasalubong.
Aiko can only speak for herself. Dumaan din naman kasi siya sa istratehiya ng kanyang mga kalaban to discredit her, ngunit mas pinairal niya ang mga gawaing mapagkukunan ng inspirasyon more than dampening her spirit.
Kumpara kay Aiko na nanilbihan ng siyam na taon, Ara is not even a political neophyte. Kung binansagan si Ara na isang viral campaign ang edited video clip na pinagmukha siyang syunga-syunga, the worse is yet to come.
All throughout her nine-year term, Aiko has had the blackest of the black propaganda na puwedeng iisyu laban sa kanya, yet she has wiped herself clean from it all. Magsilbing hamon din ito kay Ara.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III