UMANI NG batikos sa social media ang pilot episode ng “PBB All In” kung saan karamihan ng mga komento ay nagsasabing naging unfair ang selection pagkatapos maramdaman na puro magagandang mukha, kaanak ng artista o artistahin ang mga ipinasok.
Baket daw walang peg ni Melai Cantiveros o Jayson Gainza para raw maka-relate sa masa.
Kung makahusga naman ang iba’y parang matatapos na ang PBB at ‘yun na ang huling episode.
Nagsisimula pa lang at maaaring mabago pa ang takbo ng mga palakad sa bahay ni Kuya, kaya easy lang kayo. Hindi pa tapos ang laban.
‘Pag me umatras at nag-voluntary exit diyan ay tiyak na mapapalitan ito.
Bakit daw puro guwapo at magaganda ang ipinasok? ‘Yan ang tanong ng ilang nag-audition.
Hahaha! Masyado lang kayo kasing honest na hindi kayo kagandahan o kaguwapuhan, kaya nasa-sad kayo.
Kung hindi kayo naipasok eh, hindi naman ibig sabihin wala na kayong future.
Maaaring hindi sa PBB ang future n’yo. Masyado lang kayong umasa, kaya masyado rin kayong na-disappoint.
O, basta cheer up na kayo. After all, palagi namang sa pag-uumpisa ng season ng PBB, hindi na talaga nawawala ang mga isyung me favoritism.
Ang nakakalokah, pinanonood naman at ang taas lagi ng rating.
Kaya sa mga nagha-hashtag sa twitter ng #PBBALLINScripted, pitpitan ng bayag, pinanonood n’yo pa rin ang PBB.
Kinapa ko tuloy kung nandito pa ang bayag ko. So far, so good. Hahaha! Charot.
WALANG IPINAGKAIBA si Kris Aquino sa PBB. Bina-bash din ng ibang netizens si Kris nu’ng sabihin niyang siya ang Ophrah Winfrey ng ‘Pinas.
Isa pa, na sinabi niyang “not so nice” si Jamie Foxx nu’ng mainterbyu niya ito at pati ‘yung pagsasabi niyang kinabog ng ng My Little Bossings ang kinita ng Spider-Man ay tinuligsa din siya.
Kadalasang comment ay “Baket laging isinisingit ni Kris ang buhay niya ‘pag nag-iinterbyu?”
Ang tanong ko rin naman ay, “Hindi pa ba kayo nasanay ke Kris?”
At ang mas nakakalokahng tanong ay baket naiirita ‘yung ibang netizens ke Kris pero pinanonood n’yo pa rin siya?
Si Kris ba ang me problema o ang ibang netizens?
NAGKAROON NG team building seminar ang buong staff ng MTRCB last week para sa kanilang theme na, “Think more, do more, and be more.”
“The event is ground-breaking as it combines personality development, civic responsibility and a well-deserved rest for employees. Chair Toto Villareal stressed that the greatest asset of any enterprise is its human resources.
“We thank the Chair and the Board for their support and care,” excited na tsika ng isang katsikang staff ng MtRCB.
“In recent months, Chair Toto also had a film appreciation session and skills-related lectures for the Board’s employees.
“Also, this week the MTRCB had its first film appreciation session under its MOU (memorandum of understanding) with DGPI, featuring indie film director Mike Sandejas and his award-winning work “Sana Dinig Kita”.
Ia-update niya raw ako palagi para raw hindi naman isipin ng publiko na tutulog-tulog ang MtRCB.
At in fairness, wala kaming narinig na hindi gusto ng mga film producers and networks ang palakad ni Chairman Toto Villareal.
Oh My G!
by Ogie Diaz