NAGDEKLARA NA SI Kris Aquino ng intensiyon niya na pasukin ang pulitika sa 2016. Target ni Kris ang Vice-President o ‘di kaya ang maging Presidente ng Pilipinas. Ito ang sinabi niya sa programa nila ni Boy Abunda, ang Showbiz News Ngayon, pagkatapos ng interbyu niya kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.
Nagdesisyon na kasi si Senator Bong na i-delay muna ang plano niyang pagtakbo bilang Vice-President sa 2010 election dahil na rin sa request ng kanyang ama na si ex-Senator Ramon Revilla Sr., at sa 2016 na tumakbo si Sen.Bong bilang Vice-President. Dito nag-dialogue si Kris na by that time siya na ang makakalaban ni Sen. Bong.
“Mangangarap ka na rin lang, why not dream big ‘di ba?” Sey ni Kris sa kaibigan niyang si Boy.
This may be the reason kung bakit naghahanda na rin si Kuya Boy sa pagpalaot nila ni Kris sa pulitika by finishing his studies and taking up masteral degree on Public Diplomacy. If ever, Kris will be the President by 2016, Kuya Boy will be his Executive Secretary or Ambassador ng Pilipinas in one of the big countries in the world.
Talagang isa sa plano ng magkaibigang host ang pasukin din ang pulitika, pagkatapos ng matagumpay at colorful career nila on television. Talagang one step ahead sina Kris at Kuya Boy kung magplano with their respective careers.
NAKABALIK NA NG Pilipinas si Angel Locsin mula sa ilang linggong shooting sa Korea para sa bago niyang teleserye na Only You with Sam Milby and Diether Ocampo na magsisimula na sa April 27. Lalabas si Angel sa bagong teleserye na taung-tao ang dating at malayo sa role na ginampanan niya sa pantaseryeng at unang drama series niya sa ABS-CBN, ang Lobo.
Isang chef ang role ni Angel sa Only You at patitikimin niya ang mga manonood ng masasarap na timpla ng bago niyang teleserye. Only You is produced by Star Cinema Productions para sa ABS-CBN.
SA SABADO NAMAN, mapapanood muli ang grandslam actress na si Lorna Tolentino sa top-rating drama anthology na Maalaala Mo Kaya.
Almost one year ding hindi umarte sa harap ng kamera si LT pagkatapos yumao ang kanyang mister na si Rudy Fernandez. Kaya ang episode niya this Saturday sa MMK ang first acting appearance niya after the incident, kaya naman tiyak na malalim ang pinaghugutan ng emosyon ni LT sa madrama niyang eksena sa programa ni Ms. Charo Santos Concio, sa direksyon ni Nuel Naval.
Kuwento ng isang ina na nagkaroon ng mga anak na drug dependents dahil na rin sa kanilang ama na gagampanan naman ni Albert Martinez. Lumabas muna si LT sa Maalaala Mo Kaya habang hinihintay ang kanyang paglabas sa teleserye nila nina Gabby Concepcion at John Estrada.
MAGSISIMULA NA SA Lunes ang Kambal sa Uma na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks kasama sina Matt Evans, Jason Abalos at Rio Locsin. Bongga ang role nina Shaina at Melissa bilang kambal na may pagka-daga.
Naikuwento ni Shaina na hindi pa pala nangangangak ang kanyang ate na si Vina Morales. Pero nakahanda na raw ang lahat pati na ang kuwarto ni Vina sa Cardinal Santos Memorial Hospital kung saan siya manganganak.
Dumadalaw lang daw ang ama ng baby ni Vina sa bahay niya nu’ng Holy Week kung saan nandu’n din sina Vina at mga kapatid niya.
Umaasa si Shaina na nandun ang partner ni Vina kapag nanganak siya. Bitin naman ang sagot ni Shaina sa tanong naming kung kasundo ba nila ang lalaking nakabuntis sa Ate niya.
“Ha? Well, kung saan po masaya ang sister ko, ‘yun na lang,” lahad ni Shaina.
Julie Ka!
by Julie Bonifacio