SUMABAK AGAD sa TV commercial shoot si Kris Aquino pagbalik niya ng Pilipinas mula sa halos two weeks na bakasyon sa Amerika kasama ang two boys niyang sina Josh at Bimby. Kahit may sakit ay itinuloy pa rin niya ang TVC shoot na inabot ng 3 days.
Para masiguradong hindi magkakaproblema ay isinama pa ni Kris ang doctor niyang si Dr. Tonio Piano sa shoot para ma-check ang kanyang kondisyon.
May dahilan naman si Kris kung bakit ganu’n siya ka-workaholic.
Aniya, “I’ve been asked why i continue working as hard as i do? My answer is two fold — 1st my mom raised me to be worthy because she guided me to embrace the reality “to whom much is given, much more is expected in return.”
“I won’t lie — i am exhausted. But i’m gratified because i know clients & production saw i gave them more than 100 %.”
Nakakaloka ang pagiging very professional ni Kris sa trabaho. Sana maging good example siya sa mga taga-showbiz na may konti lang nararamdaman ay nagdadahilan na kaagad at ikina-cancel ang previous commitments.
Ops, wala po kaming pinariringgan. Ha-ha-ha!
La Boka
by Leo Bukas