CONSISTENT ang pagiging toprater ng mga programang pinagbibidahan ni Kris Bernal. Ang present proof dyan ay ang mataas na ratings ng afternoon soap opera niya na ‘Asawa Ko, Karibal Ko‘ with Rayver Cruz and Thea Tolentino.
How true na willing lang daw mag-settle down si Kris kung manalo na siya ng acting award?
Sa tagal nga naman niya kasi sa industrya ay never siya nabigyan ng acting award. She took on challenging roles like in Little Nanay kung saan isa siyang nanay na may mental disability at ang kanyang dual role sa Impostora, where she played the very good girl Nimfa at malditang si Rosette. Nakakaaliw ang pagganap niya doon dahil naiseparate niya talaga ang characters ng dalawa.
Hindi namin masisisi if Kris feels empty na despite her risks in taking these roles ay hindi siya napapansin ng critics. Pero teka, eto ba dapat ang basehan para pagbutihin ang paggawa ng isang proyekto?
Para kasi sa amin, the fact na palagi siyang binibigyan ng GMA-7 ng challenging lead roles is already a big success. Add the fact pa na puro pa ito topraters at pinaguusapan sa internet. Alam din naman natin na ang mga awards for TV ay hindi naman talaga ganun siniseryoso dahil most of them ay base sa mga votes ng fans. With social media, hindi mo na rin madetermine kung alin ang legit votes at gawa-gawa lang ng bots.
If Kris wants to really win an award and be ‘vindicated’ as a good actress, she must take on independent film roles. Sadly, very few ang Kapuso artists na nakakagawa nito.