HINDI NAMAN DAW sinisikreto ng isa sa prime artist ng GMAAC na si Kris Bernal na masugid niyang manliligaw ang singer na si Jay Perillo.
Tsika ni Kris, one year na raw silang magkakilala ni Jay, pero six months pa lang daw itong nanliligaw sa kanya. Dagdag pa nito na espesyal daw sa kanya ang binata, pero alam naman daw ni Jay na hindi pa siya ready na magkaroon ng boyfriend. Dahil sa dami raw ng kanyang trabaho ngayon, hindi nito mabibigyan ng tamang atensiyon ang kanyang buhay pag-ibig.
Pero sa lahat daw ng lalaking malapit kay Kris, maituturing nitong si Jay ang pinaka-espesyal na lalaki sa kanya sa ngayon. Damang-dama raw nito ang sincerity ng panliligaw sa kanya ng Tsinitong singer.
WALA RAW BALAK na pangalanan ni Ryza Cenon ang tunay na katauhan ng kanyang apat na taong karelasyong binata mula sa Laguna. Hindi naman daw kasi showbiz ang kanyang BF, kaya naman daw mas gusto na lang nitong itago na lang sa lahat kung sino man si ‘Mr. Right’ ng kanyang buhay.
Basta happy raw ang magandang young star sa piling ng kanyang boyfriend dahil smooth ang kanilang relasyon at hindi napapasukan ng intriga. Bukod pa sa very supportive daw ito sa kanyang career at hindi pinakikialaman kung anumang role ang kanyang tanggapin.
Aminado naman daw ito na ipinapaalam niya sa kanyang BF ang kanyang proyektong ginagawa para naman daw alam nito kung anong pro-ject ang kanyang nakatakdang gawin. Alam naman daw ni Ryza na darating ang tamang panahon na malalaman ng lahat ang tunay na katauhan ng kanyang pag-ibig. ‘Yun ‘yung time na handa na raw siyang humarap sa dambana at makasama ng buong buhay ang kanyang mystery boyfriend.
HINDI RAW NATATAKOT sa pagdami ng death threats na natatanggap nga-yon ang kontro-bersiyal na comedian at isang mabuting kaibigan na si Arnell Ignacio, dahil marahil sa ginawa nitong pagdedemanda sa tatlong pulis ng criminal charges sa San Juan, at graft naman sa Ombudsman.
Tsika ni Arnell, kahit daw ulanin pa siya ng death threats, wala raw itong balak uru-ngan ang kanyang pinaglalaban. Ngayon pa raw na marami na ring nagsusulputang mga taong may ‘di magandang karanasan sa tatlong pulis na sina Pono, Llagas at Lasala.
Expected na raw ni Arnell na may mga taong kakausap sa kanya para ‘wag ituloy ang demanda, pero wala raw siyang balak iatras ito. Katulad daw ng sinabi niya sa kanyang mga interview na handa siyang lumaban makamit lang ang inaasam-asam na katarungan, ‘di lang para sa kanya kundi sa lahat ng Pilipinong nagawan ng hindi maganda ng nasabing tatlong pulis.
John’s Point
by John Fontanilla