MASAYA SI Kris Bernal sa kanyang pagbabalik sa heavy drama. At excited nga raw siya ngayong magsisimula nang umere sa September 22 ang Hiram na Alaala kung saan leading men niya sina Rocco Nacino at Dennis Trillo.
“Feeling ko ito ang show na sa pagbabalik ko, sobrang proud ako,” aniya nga. “Proud ako sa trabaho ko. And proud ako sa improvement na nangyari sa akin. At saka siyempre, bago talaga sa akin dahil si Dennis, first time kong makatrabaho rito. And si Rcco, alam naman natin… ang gagaling nila. So pagdating sa mga eksena, hindi na ako namumroblema. Talagang mararamdaman at mararamdaman ko ‘yong character ko dahil sa ibinibigay kong emosyon.”
First time niyang makasama si Denniss na noon pa man daw ay crush na niya. Sa umpisa ng kanilang taping ay parang medyo nai-starstruck nga raw siya sa aktor. Ngayong marami na silang eksenang nakunan together, okey na ba siya kapag si Dennis na ang kaharap niya?
“No’ng pagtagal, nakakahinga na ako!” natawang na sabi ng aktres. “Ngayon mas relaxed na. Mas relaxed na kami. At saka mas nakakapag-usap na kami. Sa ngayon, nando’n kami sa getting to know each other stage.”
Saan kaya papunta ‘yong getting to know each other stage nilang dalawa?
“Wala pa naman. Wala naman. Basta pagdating sa set, sa trabaho, ‘yon… nagpu-focus kami do’n. So, ‘yong mga ano… kung saan mapupunta ‘yon, hindi pa natin masabi. Kasi matagal pa ‘yong show.”
Sa trailer ng Hiram Na Alaala, magaganda at talagang ma-drama ang mga eksenang ipinakita. Parang nag-elevate na nga nang husto ang pagiging aktres ni Kris na sumasabay sa husay nina Rocco at Dennis.
“Naku, lahat yata ng eksena, umiiyak ako. ‘Yon nga… dito ulit bumalik. Kumbaga, sa mga ginawa kong shows dati, sa Prinsesa Ng Buhay Ko, sa Coffee Prince… may halong comedy. Ito lang talaga ‘yong na-challenged ako. Talagang kailangang ibigay ko ‘yong buo ko. ‘Yong lahat ng emosyon ko. Na kung kailangan kong umiyak, talagang kailangan one hundred percent nararamdaman ko iyon. Hindi ko dinadaya, ‘yong gano’n. Kumbaga, dito ko lang naramdaman na ang sarap maging drama actress. Kasi ito nga talaga ‘yong heavy drama na ginawa ko.
“Dito talaga ako na-challenged kasi ang dami-daming ipinapagawa sa akin. At kasi may transition ako, e. Na from elementary hanggang college until magpapakasal na ako, may transition ‘yong character. So, kailangan may changes ‘yong bawat years na lumalaki ako. Siyempre hindi ako puwedeng parang young lang. So, patanda ako nang patanda.”
Puring-puri ni Kris ang dalawang leading man niyang sina Dennis at Rocco.
“Pareho silang magaling,” aniya. “Pero siyempre, si Rocco kasi, dalawang show ko na siya nakasama. So, mas relaxed ako kay Rocco. Kasi ilang beses na rin kaming nagkaroon ng drama. Pangatlo na namin ito dahil nagkatrabaho na kami dati sa Koreana at Time Of Your Life.
“Si Dennis kasi kahit hindi mo siya kausapin, kahit hindi kayo mag-usap, ‘yong ibinibigay niyang emosyon o acting, madadala at madadala ka. So, hindi mo kailangang problemahin, kumbaga. Nakaka-adjust ka kaagad kasi nadadala ka niya.”
Meron ba siyang pinaghuhugutan para magawa nang makatotohanan ang kanyang mga dramatic scenes? May mapapait ba siyang experiences na nagagamit niyang tools ngayon sa pag-arte? Gaya halimbawa ng sakit na kanyang naramdaman nang maghiwalay sila ni Carl Guevarra, nagamit ba niya ‘yon?
“Siguro… hindi ko siya iniiiyak sa mga normal na araw. Pero pagdating sa taping, doon ko ibinubuhos lahat ng iyak ko!” sabay tawa ni Kris.
Naaalala niya si Carl kapag may kinukunang mabibigat na eksena na kailangang makitaan siya ng matinding emosyon o umiyak?
“Oo naman. Oo naman. Naaalala ko. So, ngayon, talagang sagad na ako. Naiiyak ko na lahat. Wala na akong iiyak sa kanya (Carl).”
Naka-move on na siya?
“Hindi naman. Hindi naman gano’n kadali ‘yon. Pero… hindi. At the same time naman, siyempre ‘yong character ko. Since vulnerable ako in person and vulnerable din ang character ko, talagang, napaka-emotional ko na.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan