Love talaga ni Kris Bernal ang food.
Una niyang try sa food business ay ang pagluluto niya ng adobo based sa sarili niyang personal na timpla at ibebenta sa mga kaibigan.
Love her adobo na maraming bawang na ipinatikim sa amin minsan during a set visit sa serye niya sa Kapuso Network, kung saan kasama niya si Nora Aunor.
Matagal nang tapos ang serye, almost six months na. Kaya sa usaping trabaho, less na kaming nakababalita tungkol kay Kris.
Maging ‘yong adobo business niya, hindi na namin nabalitaan.
“Napabayaan ko dahil sa lack of time. Mahirap din kasi ang delivery kapag hindi bulk at sabay-sabay,” kuwento niya sa amin nang magpadaan kami sa new business niya na Meat Kris, isang burger joint sa bagong food park named CommunEATy along Roces Avenue near Tomas Morato.
Ang konsepto ng stall ay halaw mula sa ideya ni Kris. Siya ang nagdisenyo. Mga magazine, compilations of photos niya (at sila ni Aljur), mga eksena nila sa mga serye niya na hinaluaan ng pretty little flowers at mga abubot na parang old American ang design.
Parang diner nga ang konsepto. Ang menu, nakasulat sa dingding na iba-iba ang kulay. Iba’t ibang klase ng burger that you can imagine.
Sa totoo lang, masarap ang cheese burger na isini-serve ni Kris sa kanyang Meat Kris burger joint.
“Ako mismo ang nagtitimpla. At the cost of 99 pesos, may masara ka nang burger na home made. ‘Yong cheese burger namin, it’s only P139,” pagmamalaki niya sa kanyang produkto.
Mula nang nagtapos ang “Little Nanay” niya, dumiskarte si Kris na pasukin ang pagne-negosyo. After na mapag-aralan ang financial aspect ng pagpasok niya sa business tulad nitong Meat Kris, naglakas-loob siyang simulan ang bagong pinagkakaabalahan niya.
“We are open from 12 noon to 2 in the morning. Ako mismo ang hands-on nagpapatakbo ng business. I handle the finances, the basic accounting. Kung minsan, kapag busy kami, ako rin ang nagpa-fry ng burger patties,” na siyang nangyari nang datnan namin siya.
Tinaong ko sa dalaga kung ang kaibigan niyang si Aljur ay nakadalaw na sa Meat Kris, the fact na walking distance lang ang bahay ng ‘ex-boyfie’ and now a close friend para matikman ang personal niyang timpla ng beef patties.
“Wala pa nga. Sabi niya daraan daw siya. Mga friends ko na mga taga-showbiz, dumaraan. Gusto nila ang burgers namin,” pagmamalaki pa ng dalaga.
Bongga ang business ni Kris. Kung ikaw ay mahilig mag-food trip, not bad to have a taste of Kris’ new venture, ang Meat Kris. Who knows baka sa pagdalaw mo, siya pa ang magpi-prepare ng in-order mong burger.
Good luck sa new venture mo.
Reyted K
By RK VillaCorta