ANG TAGAL din ng last teleserye ni Kris Bernal bago ito nasundan ng “Asawa Ko, Karibal Ko” na magsisimula na ipalabas come Monday, October 22 pagkatapos ng Eat Bulaga.
The last time na nakausap namin ang TV actress was at a food park along Roces Ave. in Quezon City kung saan ang ibinibenta niya sa kanyang food kiosk ay ang sarili niyang iba’t ibang burger recipe na sarili nyang timpla.
Sa katunayan, she offered us to taste her burger na siya mismo nagtimpla at nagluto sa harapan namin na habang hinihintay na maluto ang chesse burger na gawa niya, napagusapan namin ang showbiz career niya.
The last serye pala niya was Impostora sa Kapuso Network and ended almost 7 months ago.
Kaya nga happy siya at thankful sa GMA Network dahil hindi siya pinababayaan ng kanyang mother studio kahit sandamakmak na mga artista ng Kapuso ay lumipat na sa Kapamilya Network and vice versa.
“Thankful po ako sa pagaalaga ng Kapuso sa akin,” pagmamalaki pa ng television actress.
Hindi daw siya lilipat para tumawid sa kabila “My loyalty is with GMA,” paniguro ni Kris.
Kaya nga bunga ng loyalty niya at ang new afternoon serye niya na tatalakay sa isyu ng LGBT character ng isang transwoman played by Jason Abalos na asawa niya sa kuwento.
Bukod kay Jason na nakakaintriga ang karakter sa serye, makakasama din ni Kris ang crush niya na si Rayver Cruz na kakaiba rin ang role.
Interesting ang twist ng kuwentong LGBT ng GMA na basta ganitong klase ng serye, magaling ang Kapuso Network naghandle ng LGBT issues sa kanilang serye tulad ng My Husband’s Lover nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez at ang paghapon na LGBT serye ni Ken Chan na Destiny Rose na isa sa mg top rater afternoon show ng GMA.
Bukod kina Jason at Rayver, makakasama din ni Kris sina Thea Tolentino, Lotlot de Leon, Ricardo Cepeda, Jean Saburit, Maricris Garcia, Devon Seron, at stag actor Phil Noble mula sa direksyon ni Mark Sicat de la Cruz
Reyted K
By RK Villacorta