Kris Bernal, hinilang pababa si Aljur Abrenica – Archie de Calma

NAKAPANGHIHINAYANG ANG SINAPIT ng unang team-up movie nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Sa Gateway cinema kung saan lagi kaming nanonood, may mga cut screenings ito. Ibig sabihin, may mga pagkakataong wala talagang paying patrons na gustong manood.

Pero, ano nga ba ang dahilan kung bakit nag-flop ang movie? Napanood namin ito, and definitely, this is not a bad film. Maganda ang pagkakadirek ni Maryo J. delos Reyes dito, at tunay namang ginastusan, with the fabulous locations sa Bohol, with bonggang shots sa Chocolate Hills, Loboc River, at iba pa.

Matino ang pelikula kaya nga masakit din sa loob naming malaman na flopsingaks ito dahil may ibang mga basurang pelikulang naipalabas na kumita sa takilya na nang-insulto sa kaisipan namin na ipinalangin naming sana’y mas hindi tinangkilik ng mga tao.

[ad#post-ad-box]

But, not this one. Ang biggest loser dito ay si Aljur. Kasi, sa big screen ay tunay namang oozing with charm at sex appeal ang batang ‘to. Malaki ang potensyal nitong maging isang ganap na malaking bituin, pero mukhang hindi napag-aralang mabuti ang mga hakbang na dapat niyang sinimulan.

Masyado silang nagbakasakali sa pagsusugal ng Regal, pero mas malaki ang nawala. It’s now GMA-7’s ball game to resurrect Aljur from this debacle. Never mind Kris Bernal, kasi, marami sa nakausap namin ang hindi naeengganyo sa dalagang ito. May mga nagsasabi pa ngang ito raw yata ang humihilang paibaba kay Aljur, na hindi naman siguro.
Siguro nga, bad timing ang pagpapalabas sa pelikula sa panahong hindi pa panaho para magbida sa pelikula sina Aljur at Kris.
Hindi naman sila nalalayo kina Gerald Anderson at Kim Chiu na malakas lang sa TV, pero nang itampok sa ilang pelikula ay hindi naman  kinagat ng publiko. Kaya nga gusto nang ipareha si Gerald kay Sarah Geronimo, at palagay rin namin, sa kaso nina Aljur at Kris, ito na ang pagkakataong unti-unti na silang ipareha sa ibang mas bongga siguro ang make-create na ilusyon sa fans.

Top exec ng ABS-CBN, pinagpahinga

IPINAGPAHINGA PALA TALAGA ng ABS-CBN si Enrico Santos, isa sa dati’y top executives ng ABS-CBN. Ang namamayagpag sa Dos ngayon ay si Deo Endrinal dahil karamihan ng kanyang projects sa Kapamilya Network ay surefire hits, o kung hindi man, at least, matino ang kinalalabasan ng produkto.

Ito ay sa dahilang failure raw si Enrico sa ilang nasimulang projects na hindi na tinapos dahil sa kung anu-anong kadahilanan. Sa ganitong punto naunsyami ang sana’y naunang pagbongga ng career ni Maja Salvador dahil dalawa raw sa projects na dapat ay tampukan nito, sa pamamahala ni Enrico, ay hindi na itinuloy, ang Moon River at Anna Liza na nag-umpisa pa namang mag-taping na noon.
Nasundan pa ito ng Utoy nina Dolphy at Makisig Morales. Nakapag-taping na ito, pero ang mga naunang episodes daw ay hindi nagustuhan ng big bosses sa ABS-CBN kaya hindi na itinuloy. Isa pang malaking lugi ng Dos ay ang Habang May Buhay, mas kilala bilang Narserye, na apat na beses na raw nagpapalit-palit ng direktor, pati nga artista at super-revised na ang script, only to be shelved.
Ito rin ang dahilan kung bakit ang kampo ni Judy Ann Santos ay hindi nagugustuhan ang mga pangyayaring naapektuhan ang career ng aktres sa larangan ng teleseryeng totoong balwarte nito sa Dos.
Hindi rin namin matukoy kung kay Enrico isinisisi ang lahat ng ito. Pero, the fact remains na si Deo E ang namamayagpag sa Dos ngayon at mas maayos at organisadong nakaka-deliver ang kanyang team.

Calm Ever
Archie de Calma

Previous articleFacebuking: Jade Lopez
Next articleJason Abalos, mas type si Cristine Reyes kaysa kay Maja Salvador – Eddie Littlefield

No posts to display