NAGULAT ANG working press nang bigla na lang humagulgol ng iyak ang GMA Prime Artist na si Kris Bernal sa grand presscon ng Little Nanay na ginanap last Nov . 10 sa Studio 6 ng GMA New Bldg. dahil na rin sa hirap na kanyang ginagawa para ma-portray nang maganda at tama ang kanyang karakter na medyo kulang sa pag-iisip.
Kuwento nga nito na nakailang screen test din daw siya sa show at minsang kinakabahang baka hindi na mapunta sa kanya ang proyekto, pero dahil na rin sa kanyang effort ay siya ang napili para gampanan ang mapanghamon na role bilang Little Nanay.
Nakatakdang mapanood ang Little Nanay sa Nov. 16 pagkatapos ng 24 Oras, kung saan makasasama ni Kris sa Little Nanay sina Ms. Nora Aunor, Gladys Reyes, Bembol Roco, Eddie Garcia, Keempee De Leon, Hiro Peralta, Juancho Trivino, Claui Malayao, Mark Herras, at Sunshine Dizon. Mula ito sa mahusay na direksiyon ni Ricky Davao.
Alyssa Angeles, hihiramin kay Nadine si James
SI JAMES Reid daw ang crush at gustong maka-duet ng maganda at mahusay na baguhang singer na si Alyssa Angeles, dahil bukod daw sa mahusay na singer si James ay guwapo pa ito.
Kuwento nga ni Alyssa sa presscon ng kanyang first self-titled album entitled “Falling In Love , Alyssa Angeles” na ginanap sa Teatrino Greenhills, “Si James Reid ang crush ko dahil hindi lang siya magaling na singer, kung hindi magaling din siyang umarte at guwapo pa. Hahaha!”
Kaya naman daw sa pagpasok nito sa showbiz, mas lumaki ang pagkakataon at ‘di malabong magsama sila ni James sa isang proyekto. Hindi nama daw balak agawin ni Alyssa si James, kung hindi hihiramin lang niya kay Nadine Lustre.
Naglalaman ang album ni Ayssa ng 12 sure hits songs na “DYK (Don’t you know)”, “Unusual? As Usual, “Stand Up”, “This Feeling”, “Paano Ba Umibig”, “Lilim”, “Sabihin Mo Na Kaya”, “Ikaw Lang Ang Mamahalin”, “Wala Akong Magagawa”, Still Crazy”, “Fireflies”, at “Crush Me”.
Zen Rodriguez, gustong sundan ang yapak nina Regine, Lani, at Lea
ISA SA maipagmamalaking artist ng SMAC ang Diva na si Zen Rodriguez na isa ring vocal coach ng isa sa hottest boyband sa bansa, ang UPGRADE.
First time naming napanood umawit si Zen sa Grand Finals ng Questors sa Bee Happy Go Lucky at kami mismo ay napabilib sa galing nitong mag-perform at sa maganda nito tinig.
Ang yapak ng mahusay na mga Pinay international singers na sina Regine Velasquez, Lani Misalucha, at Lea Salonga ang gusto nitong sundan.
Kaya naman sa grand launching ng pinalaki at pinasayang Bee Happy Go Lucky Reloaded na mapanonood online gamit ang 7101 Island Channel, kasama ang bagong show na Tell Me Your Story, Showbiz in 30 Minutes at Angelica By Request na magaganap sa SM City Valenzuela sa Nov. 14, Saturday 3pm, ay mapabnonood si Zen bilang host naman ng Tell Me Your Story at Showbiz in 30 Minutes.
John’s Point
by John Fontanilla