MASAYA SI Kris Bernal na isa siya sa segment host ng Starstruck 6, ang reality artista search, kung saan siya nanggaling kaya nabigyan siya ng pagkakataong maging artista. Sila ni Aljur Abrenica noon ang naging Ultimate Survivor Winner ng Starstruck 4. Makasasama niya as segment host ang kapwa winner din ng Starstruck na sina Mark Herras at Rocco Nacino.
Simula sa September 7, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7, gabi-gabing mapanonood si Kris at mga kasama para magbigay ng updates sa mga reaction ng televiewers tungkol sa shows at sa 35 finalists ng sa Facebook, Twitter, at Instagram.
Hindi naman naitago ni Kris na miss na miss na niya ang pagda-drama dahil ang huli niyang drama series ay Hiram Na Alaala pa last year. Sana raw mabigyan na siya uli ng bagong soap.
Sa ngayon, susubukan ni Kris ang stage na magsisimulang ipalabas sa PETA Theater sa September 10, sa role na Carissa, ang bagong Maria Clara. At pagkatapos ilabas sa PETA ay ilalabas din ito sa iba’t ibang colleges sa bansa.
Tungkol naman sa balitang magpo-pose na siya sa men’s magazine, wala raw katotohanan dahil tutol ang kanyang mga magulang. Pero kung siya raw ang tatanungin ay handa na siya, since 26 years old na siya. Pero dahil good daughter, sinusunod niya ang payo ng magulang.
HALOS LAHAT yata ng mga naimbitahan sa event na inorganisa ng SM Group of Company at Walt Disney Character ay nadismaya sa dinanas na hindi maganda sa namahala raw ng event. Tila nabastos raw yata ang karamihan at ang siste pa ay GC na nga ang giveaway, nagkaroon pa raw yata ng hindi pantay-pantay na “pagtingin” sa mga inimbitang entertainment press.
Sa text daw ng natanggap ng press sa imbitasyon, nakasaad na GC lang daw ang giveaway at nakasaad din ang amount ng GC na pinaunlakan naman ng press dahil na rin sa pakiusap ng isang member ng organisasyon. ‘Eto na kalbaryo raw ng press sa event. Sa tagal na inilagi nila sa naturang okasyon, tila niloko pa raw sila ng nag-abot ng giveaway. Ang iba ay nagulat dahil di raw pare-pareho ang GC na giveaway sa mga imbitadong press. Samantalang sa imbitasyon, nakasaad kung ano ‘yung GC at amount.
‘Eto pa ang lkinaloka ng organizasyon na sabi ay imbitado lahat, pero may isang tao raw na member pa mismo ng nasabing organisasyon ang gumawa ng list na hindi isinama ang lahat at namili lang ito ng iimbitahan, samantalang pinaiimbitahan daw diumano ang lahat ng member ng organisasyon.
Ngayon, nangangarag itong member na namili lang ng iimbitahan sa event na puntahan ang mga kasamahan sa organization para pakiusapan na huwag namang tirahin ang nangyaring okasyon.
At nanakot pa raw ito sa mga kasamahan na hindi na makauulit ang grupo kapag may okasyon uli raw ang naturang kompanya.
Ang naging sagot naman ng isa sa member ng organisasyon sa nanakot pang member din na nag-power tripping pa yata na, okey lang daw dahil hindi naman talaga interesado ang grupo kung magkakaroon uli ng event kung ganyang nabastos ang karamihan ng mga nagpaunlak dumalo kahit GC na nga lang ang giveaway.
Sabi naman ng mga member na hindi isinama sa list nitong member din ng organisasyon na gumawa ng sariling list kahit pinaiimbita lahat ng samahan: “GC na nga lang, ipinagkait pa sa mga kasamahan.”
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo