AS FAR as we’re concerned, Kris Bernal is one of the assets of GMA-7. Kahit na hindi siya ang main winner sa Starstruck Batch 4 (si Jewel Mische ang Ultimate Female Survivor ng kanilang batch), sinuportahan ng fans ang tambalan nila noon ni Aljur Abrenica which produced a number of top-rating shows and projects.
Ngayon na hindi na dumidepende sa loveteam ang aktres, tila nakaya naman ni Kris na pataasin ang ratings ng kanyang solo shows like Little Nanay and Impostora, where she portrayed a dual role. Naalala ko na gigil na gigil ang kaibigan ko sa tuwing inaapi ni Rosette si Nimfa.
Sadly, the two soap operas na kinabilangan ni Kris Bernal this year looked promising sa umpisa, pero hindi nasusustain ang interes ng tao.
First is ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ na nagsilbing first team-up nila ni Rayver Cruz at si Thea Tolentino ang transgender ex-husband niya. Promising pakinggan, ‘di ba? Ang kaso, hindi maganda ang transition ng characters nila dahil naging sobrang negatibo ng dating ni Thea na ikina-alarma ng LGBT community habang nuknukan naman ng pagiging matiisin ang bidang si Kris.
This time ay nakita namin na down to last few weeks na lang ang ‘Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko’, where Kris portrays a ghost na obsessed sa isang lalaki (played by Rayver Cruz). Si Megan Young and bidang babae habang si Kim Domingo naman ang sinasaniban ng kaluluwa ni Kris sa show.
Nakanood ako ng isang episode ng programa. Sadly, this wasn’t a good project for the four promising lead stars. Sa totoo lang, sina Rayver at Kim lang ang may chemistry sa show.
It is good to end this series. Sana lang ay mas interesting ang next project ni Kris Bernal. Why not let her do something light for the next project since sunod-sunod ang mga mabibigat na proyekto niya? Or much better ay mag-concentrate na lang muna siya sa kanyang business ventures at YouTube channel na bumobongga na ngayon.