Kris Bernal: The next Marian Rivera

BATA PA SI Kris Bernal, hilig na niya ang umarte. Pinipi-ngot ka rin ba ng nanay mo, at sinasabi sa iyong ang arte mo? “Ay oo, saksakan talaga ako ng arte!”

Ayon sa kanya, halos lahat na school club activities na related sa arts ay sinasalihan niya noong nag-aaral pa. Elementary pa lang siya, pangarap niyang kurso eh ‘yung magiging director siya kaagad. Uhumm… ambitious nga at dapat lang. Well, kung iyon ang nailagay na niya sa isip, malamang, one day papunta nga siya roon.

Sa dance-serye niyang Time of My Life, kumbinsido siyang  ang sayaw ay kasama ng himig ng isang awitin, na sa saliw at tunog at bawat himaymay ng galaw ng katawan ay tila kasama sa natural na agos ng kalikasan nito. Dugtong pa niya ay ‘pleaser’ siyang tao, kahit nasasaktan sa maraming nagsasabi na hindi siya ganu’n kagaling sumayaw.

Pero ako mismo’y bumisita sa rehearsal niya ng sayaw. Sabagay, madali naman siyang turuan ng kanyang choreographer. Naks! Kris, hayaan mo na ang mga detractors mo. Nakakatulong ito kung hindi mo maituturing na kaaway ito. Gawin mong tapakan ito bilang hagdan tungo roon sa isang matagumpay na pangarap. Isang natural na bagay ang laging may

salungat sa anumang field sa ating mga ginagalawang gawain.

Kailangan nga lamang natin ay matuto tayong magtimbang na parang sasakyan sa gitna ng maalong dagat. Then, one day, iyon pala’y bahagi lamang ng ating trabaho.

Maging ang mga kapatid natin mga press people, trabaho rin nila ang magpa-anghang at magpa-tamis; meaning, good or bad, it is already existing in the showbiz system. “Sometimes, may mga time pa rin na maaalala mo talaga na kapag tagos talaga sa ‘yo, iiyakan mo pa rin, ganu’n.”

Ito’y kahit daw sanay ka na sa intriga. Kaya ang payo ko kay Kris, ‘ah… kung iiyak ka, magpatugtog ka ng mga love songs. Hahaha!’  Ito ang tugon niya, “Hahahha! Parang iiyak ako lalo nu’n.”

Abala ngayon sa maraming projects si Kris. “’Yung dance-serye na Time of My Life, ‘yun po ang kauna-unahang dance show. Tapos every Sunday po, ‘yung Party Pilipinas na variety show. At sa Panday movie, sister ako du’n ni Marian Rivera na leading lady ni Bong Revilla.”

Ang pangarap niya ay ang tuluy-tuloy na pag-aartista. Sige lang, malay natin, tutal maganda naman ang acting at artistic projection mo. Medyo pataba ka pa ng kaunti para sa anatomy ng contour ng mukha mo sa TV. Malay mo, next to Marian ka. Oh, ‘di ba? Alagaan lamang siya ng GMA, para kong nakikitang lalong titingkad at magiging blooming ang kanyang career sa galing na naipapamalas niya sa acting. Sa panahon ngayon, dahil sa chemically treated na lifestyle natin, natural nang maging hyperactive ang kalakaran ng isang tao. Kasama na ang emotional stress at fatigue na maaaring maglikha ng mga toxic sa ating katawan. Lalo na’t ang mga tao sa ngayon ay nasa ‘survival of the fittest’.

Ang art lessons ay nakatutulong kung papaano ang treatment para tayo ay ma-refresh at ma-modulate. Ginagawa natin ito sa pamamagitan ng drawing sa papel, kulay ng pastel at pintura sa canvas dahil doon natin makikita ang mga bagay na nasa kalooban ng isang tao. At ginagawa ko ito to support the innate artistic value ng isang tao hanggang mabuo ang kanyang trust sa sarili at ma-maintain ang value ng reality.

Para ho sa mga intresado ng paintings at art lessons, mayroon po tayong Maestro Orobia Gallery Exhibit  sa 3rd floor ng Market! Market! near Playzone. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected] or visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleMay Something in Common
Next articleRufa Mae Quinto, kahit sobrang stressed, ‘di sumusuko

No posts to display