LAST WEEK (September 18) ay nag-celebrate ng 3rd birthday ang anak nina Kris Lawrence at Katrina Halili na si Katrence. Tungkol nga rito ang unang naikuwento ng singer nang makausap namin.
“It was good, it was fun,” sabi ni Kris. “Ginanap sa bahay ko po. Kasi when we (sila ni Katrina) were planning Kate’s birthday… iniisip namin kung ano ang gagawin namin. Kasi last year, nag-Jollibee. Tapos ‘yong first birthday was a big birthday event sa Oasis. So sabi namin… let’s just make it simple this year. So… naisip namin na sa bahay ko na lang.”
Nakatutuwa na maganda ang samahan nila ni Katrina sa ngayon hindi lang bilang mga magulang ng kanilang anak, kundi as good friends din.
Sinasabi ni Katrina, wala naman siyang lovelife ngayon. Dahil ang true love na itinuturing niya at this point ay ang anak nga nila na si Katy na siyang nag-i-inspire daw at nagpapasaya sa aktres.
“Wala rin po ako,” ani Kris na lovelife ang ibig niyang sabihin.
Hindi kaya nagpapakiramdaman lang sila o nag-aantayan? Na sa bandang huli ay sila pa rin pala ang magkakabalikan?
“Gano’n ba ‘yon?” tawa na naman ni Kris. “Uhm… kasi, ‘di ba meron siyang write-up na wala na talaga siyang balak?” na makipagbalikan sa kanya ang nais niyang tukuyin. “‘Di ba? May sinabi siyang gano’n, e.”
Gano’n din ba ang nararamdaman niya kapag nagkakaharap at nagkakausap sila ni Katrina? “Yeah!” mabilis niyang sagot.
Tanggap niya naman? “Yeah! If she says na gano’n… yes,” tawa na naman ni Kris. “Wala naman akong magawa. If talagang iyon naman ang gusto niya, ‘di ba?”
Ang tagal na rin since no’ng nag-break sila ni Katrina. Don’t he think it’s about time that he find a new special someone naman for him to become happy ulit? Of course, masaya siya sa anak nila ni Katrina na si Katrence. Pero iba pa rin ang happiness at inspiration na naibibigay ng pagkakaroon ng lovelife, ‘di ba? And he deserves to be happy rin naman, right?
“That’s true, I deserve to be happy. I think everyone naman deserves to be happy.”
Ano ang nakapipigil para manligaw siya ulit at magkaroon ng panibagong makakarelasyon?
“Uhm… good question!” tawa na naman niya. “I don’t know. Maybe… walang time. Because… even when I see Katy since hiwalay kami ni Kat, even si Katy in a day it’s takes me a lot of time as well. But since hindi na kami (ni Katrina), I really have to take my time in my day to spend time with Katy. So siguro wala ring time.”
Bukod sa singing career, negosyo ang isa pang pinagkakaabalahan ni Kris ngayon.
“I just opened a couple of businesses. I have a clothing line, it’s called Super… mga jerseys ito. Mga parang pang-basketball na jerseys. Mga pang-summer. We started about six months ago. Sa Instagram ito, online ang pagbebenta namin. I also do buy and sell ng mga watches. ‘Yong mga expensive na signature watches like Rolex, ganyan. Tapos ‘yong isa pang sideline ko… TFD, The Filipino Dream. Ano naman ‘yon, food carts. ‘Yong merong siopao, siomai, merong squid and fishballs, tapos French fries. ‘Yong mga gano’n. Actually itong food carts ang oldest sa mga businesses ko. Dati hindi ako masyadong active na asikasuhin ito, pero nandiyan pa rin. May bagong business din kami ni Jay R, it’s called Too Big… it’s a purified water business. So we have a water station, we supply drinking water. We started it about three months ago and okey naman ang takbo.
“Meron din akong mga naka-schedule na shows out of the country. Meron sa Japan. Tapos meron din kami ni Jay R na tour sa States, tapos kami rin ni Jaya. Marami pong naka-line up. And I just came up actually with a new album. Hindi pa ito nagkaroon ng launch pro it was out two weeks ago, nasa music stores na. Ang title ng bagong album kong ito is Most Requested Playlist under Universal Records.”
Ano ang carrier single nito?
“We’re still talking abou it. Gusto lang muna nila ilabas ‘yong album. It contains revivals, mga 90’s RnB. Maganda po ‘yong song selections na like… I’ll Make Love To You, On Bended Knee, I Swear, I Need You, Incomplete, at iba pa.”
Alin sa mga songs na ito ang puwede niyang mai-dedicate kay Katrina since good friends naman sila ngayon?
Napahalakhak si Kris at sandaling nag-iisip ng isasagot.
“Uhm… On Bended Knee. Ano pa? Unbreak My Heart. Or, a… Incomplete.”
Incomplete pa rin ang feeling niya until now?
“Basta… ‘yon na ‘yon!” tumatawa pa ring huling nasabi ni Kris.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan