DEADMA AT ayaw na raw sanang magsalita pa at magkomento ng kauna-unahang recording artist ng Blackbird Music na pag-aari ni Aiza Seguerra kaugnay sa isyung siya ang dahilan ng break-up ng kanyang mentor na si Aiza at ang ka-partner nitong si Chen Sarte.
“Sa totoo lang, ayoko talagang magsalita about it. Kasi, ang mga tao, may masasabi at masasabi pa rin, eh. Kahit anong gawin mong explanation, may masasabi pa rin sila. Lalo lang lalaki.”
Tsika pa ni Krizza, mas maganda na lang daw na tahimik para hindi na nga naman magsanga-sanga pa ang balita, lalo na’t mentor lang daw niya si Aiza at hindi totoo ang natsitsismis na may namamagitan sa kanila.
Mas gusto na nga lang nitong pag-usapan ang kanyang 1st self-titled album, distributed by Universal Records, na naglalaman ng 11 songs, kung saan carrier single ang Bakit ‘Di Ko Ba Masabi, Narda, Could Have Been, Bakit Ka Lumayo na gawa ni Ogie Alcasid, Look My Way, French Fries at Coke at iba pa. May duet sila ni Aiza ng mix-up ng If I Could at Wind Beneath My Wings.
HALATANG-HALATA NA masaya si Marvin Agustin sa bagong trabaho na nakuha sa TV5, ang Artista Academy, dahil tawa siya nang tawa habang kausap ang mga entertainment press sa ginanap na audition last Tuesday sa Smart Araneta Coliseum.
Tsika nga nito, kaya siya napiling host ng nasabing reality show/talent search ay dahil mabait siya at may right attitude at kung ano-ano pa na feeling ng mga kapatid sa panulat ay biro lang ng mabait at successful businessman.
“Mabait daw ako, I have the right attitude raw, I have stardom daw, I have fame daw and fortune. Sabe! I have the looks and the ta-lent. Ewan ko ba talaga!”
Ang pagho-host daw ng Artista Academy ang isa sa rason kung bakit lumipat ng itasyon si Marvin, dahil ibang-iba raw ito sa ibang artista search.
“I like the show. Since naman last year pa, I’ve been working with TV5 as a producer, itong opportunity na ito, itong Artista Academy, noong naisip nilang gawin ito and then, they offered it to me, in-explain sa akin ‘yung show, parang naramdaman ko kung ano ang nararamdaman ng mga future artistas nila. Sabi ko, parang masarap i-host,” sey ni Marvin.
“‘Yung pinaka-big difference na sinasabi nila, sa ibang reality shows, natatapos ‘yung reality sa academy o du’n sa bahay ‘di ba? Dito, lumalabas ’yung mga bata, umuuwi sa kanilang mga bahay at susundan sila ng camera, masusubaybayan ng mga viewers kung ano ang nangyayari sa kanila. At the end of the season, there will be one Best Actor and one Best Actress,” sey ni Marvin.
Two year-non exclusive guaranteed contract sa TV5, kung saan bukod sa AA, ay may naka-line-up din daw na teleserye sa kanya.
“Parang feeling ko, versatile actor ako rito (sa TV5),” pagbibiro ni Marvin. “Feeling ko, I’m superstar, p’wede akong mag-host ng variety, p’wede akong mag-host ng game show.”
Isa pang ikina-excite ni Marvin sa show ay makakatrabaho niya si Cesar Montano. Dalawa silang hosts ng show and looking forward siya sa pagsasama nila sa screen. Pagtatapos ni Marvin.
John’s Point
by John Fontanilla